Thursday, March 12, 2015

KURIPOT GAMER: Free Dungeon Crawl Tiles! at Maps na rin

Masarap gumawa ng miniatures, terrains at kung ano-ano pa. Maraming nagsasabing hindi na ito kailangan sa paglalaro, tama nga naman. Pero iba pa rin ang pakiramdam ng mayroon: mas nabibigyan ka ng strategy (na isang paraan para matuwa), may visual hook para sa mga hindi sobrang imaginative (isa pa rin itong paraan para matuwa), at mas madaling i-visualize ang mga nangyayari (na paraan para matuwa at masihayan).

Isa pa, kapag dungeon crawl games ang pinaguusapan: the tiles and terrains make the shebang go bangbang. Munchkin powergaming to the 20th level. Damhin mo ang AoE. Ang added range. At... oo! Polymorph to giant type, tapos kaladkarin mo ang giant mini mo sa tiles! TAMAAN ANG MINIS NG IBA! NAGTATALSIKAN NA PLASTIC THINGAMAJIGS! HAHAHAHAHAHAHAHA. Ahem, ahem. Hmm.

Maraming mga posibleng paraan para gumawa ng sariling tiles (o maps) nang nakakatipid, heto ang aking mga ideya;

Tarpaulin Print
Para sa 45PHP-120PHP (Depende sa Kanto & Conyo level ng placelalu mo), maaari kang magprint sa 1ft x 1ft tarp, colored pa! Asteeeg diba! Maganda gawin to sa mga non-modular maps kasi nga dehins mo magagalaw.

Asteeeg no! Di lang pang-ID,
pang TRPG materials pa! Pic by Joey Flores
Isa pang idea: magpaparint ka ng hexes o grid sa tarp. Yun lang. Ikaw na bahala sa size. Gumamit ng wet erase marker o white board marker pag magsusulat dun. Mabubura yan, depende lang sa white board marker na gamit mo (Nagtratrabaho ako sa English learning center, marami kaming white board markers... at manlilinlang sila! White board marker daw eh hindi ko mabura! Manlilinlang! Matapos kong umasa... nilapastangan nila ang pagtitiwala ko!).

Joey Flores' (of D&DPhil) Idea:
>Bond paper. Grids. Laminate.
>Maraming bond paper. Lahat may grids. Lahat laminated.
>Profit?!
>Gawing pamaypay dahil summer na.




Make-Your-Own-Modular Tiles
Dehins ka mauubosan ng pang-TPK nito

Step 1: Magdownload ng modular tile chorva
Step 2: I-print sa cardstock/ short bond paper
Step 3: Gupitin ng naaayon sa size
Step 4: I-palaminate sa (un)friendly neighborhood overpriced school supplies store
Step 5: Ipagyabang sa iba mong nerdok na kaibigan
Step 6: Gawing shuriken dahil matulis ang dulo nito dahil sa laminate. Magpanggap na inosente kapag may natamaan sa mata.



FREE DOWNLOADABLE MAP-MAKING GALORE
Bali pag ipa-tarp mo ang ganito, may astig na pro-looking map ka na

Map-making tools
http://rpg.drivethrustuff.com/browse/pub/5371/Heroic-Maps?pto=0&pfrom=0
http://rpg.drivethrustuff.com/product/119487/Tile-Maker-20
http://projectzerogames.com/htmlpages/tilemaker.html
ULTIMATE FREE MAP MAKING TOOLS LINK:
http://rpg.drivethrustuff.com/browse.php?filters=0_2240_0_0_0&pfrom=0&pto=0
(I love you DTRPG!)

Magandang ipa-tarp
http://rpg.drivethrustuff.com/browse/pub/4491/DramaScape?pto=0&pfrom=0
http://rpg.drivethrustuff.com/product/137459/Battle-Maps-FANTASY-The-Homestead
(Sobrang ganda iprint sa tarp 'to. Mataas ang quality at maganda ang pagkagawa.)

Village & World para puwede ka gumawa ng sarili mong mapa!
http://rpg.drivethrustuff.com/product/113773/Hex-Tile-Maps--Village-and-Roads-Pack?manufacturers_id=5017

Yan ang aking tips sa hardcore pagkukuripot pero with pro-grade quality. Tandaan, hindi kailangan gumastos ng malaki, mamirata o kung ano pa man para makapaglaro ng TRPG. Imagination lang puwede na, o manila paper. Basta kung ano nagpapasaya sa grupo mo, dun kayo.

Abangan ang susunod na kuripot article!

Sunday, March 8, 2015

KURIPOT GAMER: GM Seminars to Gaming Chorva!!!

Kung sumama ka alam mo 'to.
Bihira lang ang mga TRPG convention sa 'Pinas. Bihira nga lang ang mga gamegroups eh. At lalong bihira lang ang GM Seminar.

Nung naisipan ni Marc na gumawa nito sabi niya; "Pare may hardcore idea ako! Gawa tayo ng GM Seminar!" (joke lang di yun ang actual words niya) aba'y wala na akong alinlangan pa! Nagalay ako ng tulong at whooo...

Nakakadalawang seminar na! Maraming salamat sa lahat ng pumunta!

Maraming mga nangyari na hinding-hindi ko malilimutan, mga tips at techniques na ipinamahagi ng mga beteranong GM/DM/ST. At walang makakalimot kay Gardo... oh Gardo...
Salamat kay BJ! Dahil sayo hindi pa nasisira ang record ko
na 'Nakakatikim ng Starbucks-JCO' nang hindi gumagastos.
KURIPOT GAMER WIN!
Hindi ako masyado magkukuwento ng nangyari, mas magandang maranasan mo na lang! ;) *Walang habas na pagyayaya*. Heto ang mga pictures na kinuha ni BJ at Rocky. At oo, speaker ako. Ha! Paniiis! Di nila alam player talaga ako, di GM. hahahehehe.

Sumama na sa susunod na GM Seminar... na magiging Gaming Meets na! ASTEEEG! WHOOOHOOO.

L5R's Social Dynamics. The way Jay puts it makes it applicable in other games too.
 Now I can make a game about Pinay chismosas. haha. Ooooh the social turmoil
Encounter designs for your d20, in case you don't want to TPK your friends. haha. BUT TPK IS GOOD, TPK IS GOD, TPK IS ... sadness
Narrative Control! Isang bagay na ginagawa ko ng di ko alam. hahahehe
Dahil puwede pa rin maging magkaibigan ang komunista't kapitalista
GO GO POWER RANGERS!
GO GREEN RANGER! GO BLUE RANGER!
GO GREY RANGER! GO PINK RANGER!
GO WHITE-BROWN-GREEN-GRAY RANGER!

Kung di ka nakapunta, wag mag alala! We take videos of the talks and upload them. Kung gusto mo yung topic pero di ka nakapunta, tignan mo dito para sa walang katapusang kaastigan. Hanggang sa susunod! PIS LAB EN PISBOL!