Akalain mo, wala pang PHP300 lahat yan. Kuripot to the highest level. |
Libreng John Wick! Maging si James Bond ng NBI!
Hahahehe. Malaki tiyan na James Bond. ahehehe
|
Kung mapapansin mo, sa bawat kumpol kumpol ng unibersidad at kolehiyo ay may mga print at xerox (Dahil walang Pilipino gumagamit ng 'photocopy', may brand loyalty tayo eh. Haha) shop na nakakalat (tambay ako sa mga 'to, nakikisinghot ng xerox powder. Nagbagong buhay na po ako). Kadalasan, may mga bookbinding services din. Mabenta tong mga shop na to sa mga gumagawa thesis na hindi matapos-tapos, mga ideyang di ma-approve approve. Pero dahil walang masyadong RPG books sa bansa, magagamit mo din tong mga 'to para magkaroon ng improv Gaming Store! Yaaay!
Magkano naman?
So... technically may John Wick book na ako. Yay! |
Sa UP Diliman shopping center ako nagpriprint kadalasan. Hindi isang page ng PDF ang babayaran mo, yung print sa side ng bond paper ang babayaran mo. PHP1.50 ang isang page doon, so PHP3 kung back to back. Dahil dalawang page ang malalagay mo sa isang side ng bondpaper, magiging ganito ang computation (WHOOO! MATH!)
12 Pages is 3 Leaves. (4 page on each Leaf)
1 Leaf contains 4 pages (2 pages on each side, 4 pages total) = (Dahil PHP1.50, per page, PHP1.50x2) PHP3. PHP3 x 3 = PHP9
(Grabe, sa sobrang pagtitipid ko ginawa ko pa ito)
Sa 9 pesos lang may TRPG book ka na! Kadalsan mga rules-lite, alternative, at storytelling system ang mga ganito libro kaya okay na okay kung trip-trip mo lang maglaro.
32 Pages to lahat, 8 leaves. Madali pa rin itupi |
Kung nagaalala ka kung kaya ba i-booklet ang 50+ pages, tandaan na sa bawat papel (o dahon) ay may 4 pages. Kaya para magkaroon ng ideya kung gaano ka-kapal ang booklet mo, i-divide by 4 mo ang total ng pages ng ipri-print mo at gamitin ang tantsameter para makuha ang kapal. Hahahehe.
SARPS! Asteeeg! |
Suggestion ko: hanggang 80 pages lang ang i-print. 20 Leaves yun.
Note 12/9/14: Weird, may bayad na ang SARPS sa DriveThruRPG, dati libre eh. Well, i-download mo na lang sa official googledocs site
INSTANT RPG BOOK
Sa Long Bond Paper ko prinint to. Ewan ko kung bakit long pero OK naman kinalabasan |
'Pag na-print mo na yung mismong booklet, pwede mong i-print yung cover lang sa card stock paper at gawing cover yun. Para matigas-tigas naman yung booklet mo. Pero depende sayo iyon. Ganun ang ginawa ko sa SARPS at sa ReWired. Madali pa ring itupi, hindi naman ganoon ka-kapal ang cardstock eh. Kung iniisip mo kung saan makakabili ng cardstock, meron sa National Bookstore sa halagang PHP20 para sa 10 piraso. Yay!
TANDAAN:
Interestante ang konsepto ng Toypocalypse. Libre pa! |
Abangan ang susunod na post: HARDBOUND BOOKS FOR THE HARDCORE KURIPOT. Asteeeg!
Hardcore diba! 3rd World Gaming to the bones talaga. At dahil dito na nagtatapos ang article pero may mga pictures pa akong gustong ipagyabang, check these out:
d6 na Cyberpunk. Hardcore to, sana lang may gumawa ng Manila setting. |
My girlfriend actually bothers to teach me photography :| Perspective naks! |
No comments:
Post a Comment