Parang matutumba na yung Halfling Paladin o, buti nakakalakad pa siya |
Note: Ang Retro-clones ay ginagaya ang D&D ruleset bago mag D&D3e, mga panahong descending armor class pa ang gamit (T*NG*NA KAILANGAN NG ALGEBRA PARA SA THAC0), ang race at class ay magkasama (kasi nga naman mahirap maging Halfling Paladin) at iba pang mga ka-hardcoreness ng nakalipas an henerasyon. May mga free non-retro clones din naman, kaya kung masyado hardcore and Descending AC for you, may softcore versions sila.
Kala mo madali matamaan Descending AC pala. Huhuhu Y U DO DIS TU MI? Then again, that's what 3e's OGL is for ;) |
Kung tutuusin, support at production quality lang ang pinagkaiba ng Dungeons and Dragons 555th edition at ng kung anong clone. Pero dahil sikat at kilala, mas maraming pumipili ng D&D. Wag mag-alala! Hindi ibig sabihin na naglaro ka ng D&D clone eh traydor ka na! At kung marunong ka mag D&D, marunong ka na rin mag D&D clone, mga feats at skills lang kadalasan ang pinagkaiba (at attribute modifiers, kasi yung iba AD&D ang gamit).
Kahit na medyo naiiilang ako na parang D&D lang ang TRPG sa mundo ng ibang mga tao, kailangan pa rin itong suportahan kasi... kasi... aspeto ito ng hobby natin eh! Hahahehehe. Basta, heto ang koleksyon ng mga D&D clones na libre at well-supported:
Tombs & Terrors
Eto na siguro ang pinaka-simple na D&D clone (wag na tayong magaway kung clone or retroclone ito) as lahat na mararamdamang D&D pa rin ang nilalaro mo. 99 pages lamang ang core rulebook (at yung lang naman kadalasan ang kailangan eh)- isipin mo na lang kung gaano ito kagaan kumpara sa 250+ pages ng iba.
Ang isa sa magandang aspeto ng T&T ay inimumungkahi nitong kumuha ka sa laman ng ibang free D&D clones (tulad ng nasa baba) para gamitin ito sa T&T game mo: dahil simple at maliit ang mga numero madali ito gawin. Kakaunti lang ang spells ng mga magic-users dito pero puwede ka kumuha sa OSR supplement na Theorems & Thaumaturgy, o puwede mo gamitin ang bestiary at treasure list ng Swords & Wizardry etc etc. Ito ang paborito kong D&D clone, subukan mo rin, less than 99 pages ang kailangan basahin para matuto ito laruin ;)
Heroes Against Darkness
Sa taas ng production quality ng HAD, magugulat ka na libre lang 'to. Kung sabagay, kadalasan mabait ang mga TRPG'er at naiintindihan nila ang kalikasan ng hobby na ito: imahinasyon lang ang kailangan, kung kaya't handa sila magrelease ng libre.
Ang HAD ay MABIGAT. Madali matutunan ang mga rules, pero maraming paraan ng pag gamit ng rules. Ang combat system ay komprehensibo (sa panahon ngayon, halos lahat na ata ng laro ay may malaking combat system), medyo nakakalito sa simula (lalo na kung hindi mo binasa ng maayos ang How-To ng bestiary) pero pag matutunan mo na, yung simpleng roll-higher pa rin ang sinusunod.
Parang 3.5e o 4e ang laro niya, minus yung halos impossibleng presyo. Libre lang, sobrang taas ng production quality at ang laki pa ng options. Kung gusto mo ng D&D na pinakamalapit sa newer editions (3e-4e) ito ang laruin mo.
Microlite20
Kinalahati ng Microlite20 ang anim na attributes ng D&D, at hindi lang iyon: compatible pa rin and D&D 3/3.5/Pathfinder dito! Ibig sabihin kung may nabili kang D&D3/3.5 supplement sa booksale (kasi minsan meron) ay maaari mo itong gamitin dito! Asteeeeg! Ang Microlite Purest Essence ay magandang panimula dahil sa angkin dali nito (17 pages lang! BOOKLET NA YAN!).
Basic Fantasy Roleplaying
Ang pinakapunto ng BFRP ay makuha ang pakiramdam ng mga naunang D&D (yung sandamukal na table para sa Percentage of Success ng Thief skills at iba pa- WHOOO!) at lalo itong pasimplehin gamit ang mga innovations ng 21st century.
At eto pa ang mga laro na hindi pa ako ganun ka-pamilyar pero LIBREEE WHOOOO:
Swords & Wizardry
Labyrinth Lord
OSRIC
Dark Dungeons
Ang mga nilagay ko dito ay ang mga pinaka-pulido na Free RPG na nakita ko. Madadagdagan pa ito sa paghahanap ko ng iba pa.
Sa dinadami ng mga clones na libre, di na kailangan magtorrent pa ;)
No comments:
Post a Comment