Monday, May 11, 2015

KURIPOT GAMER TO THE GAMING SEMINAR!


KAMUSTA! Kuripot Gamer, at your service. If you've been around the local TRPG scene for the past few months, you've probably caught wind of the GM Seminar (it's a good kind of wind). It's been met with awesome success, a lot of people came and had a hardcore time.

I've met new people, made new friends, learned hardcore GMing techniques, and even talked about my game at one seminar! Yeaaah. Talk about experience- when I first started my blog, there was little community activity. The most you'd get is a sporadic 'Looking for Group' post. But now, we have this. A community that's actively putting up open tables, open to questions and accommodating to newbs, holding a gathering for gamers monthly- it feels good to be a part of this community.

And with that, let me invite you to the Gaming Seminar on May 31st in Makati B&B! Yep! The Kuripot Gamer will be there chilling with the peeps! There's a 100PHP entrance fee (because we don't own the place. haha). It's gonna be fun: lots of gamers, lots of laughter, and there's even prizes- SURPRISES AT THAT (Sur-prize. hehe).

SAMA NA!

p.s. I am now the official FAQ (Pronounced as fak-yu) Guy of the Gaming Seminars so feel free to shoot me a question. Just post 'em in the comments.

p.p.s. check this FB event page to follow it: Gaming Seminar Event Page

Tuesday, May 5, 2015

KURIPOT GAMER: Fab's PoB (Print on Budget)

Yeeeah boy! Matapos ang maraming linggo ng pahinga at pagkawal ng Kuripot Gamer... siya ay nagbabalik!

Ng may pasabog! EXPLOSIONS! BOOOOM!

*Ahem*

So nagpakita na ako ng tatlong paraan para magkaroon ng TRPG books sa Pinas. Booklet, PocketMod, at Book Bind. Pero mayroong isa pang paraan na kailangan mong tumahak ng bundok at ilog upang makamit... 'de joke lang. Commute ka lang (or ride your car) papuntang UP Diliman or kahit anong lugar na nagooffer ng 'Colored Cover printing'.

Oo mga kaibigan, maaari mo nang i-print ang cover ng iyong paboritong RPG book, hardbound man o softbound. At eto pa; yung default size pa ang masusunod! Kung a5 size ang orihinal na libro, maaari mo rin itong ipa-print ng a5 size! Walang labis, walang kulang!

Tignan ang aking mga pinagawa. Isang hardbound at isang softbound.

Hardbound
Di ako mahilig sa samurai stuff pero niregalo ni Tobie yung
pdf nito sa akin at nung binasa ko... ABA'Y HARDCORE!
Softbound
Don't judge me! Kasalanan ko kung bakit may pilat yung plastic... hehe.
Nangati ako hilahin yung plastic sheeting niya para maging glossy. It's my fault ya'll, maganda talaga to pagkaprint.
Eh Fabs, kamusta naman kalidad niyan?

Aba'y kung kalidad lang ang usapan ay ayus din. Matibay ang pagkakabind at maganda ang cover. Tignan mo Blood & Honor book ko:
Ganda ng front cover no?

It  looks like the real deal men

Flyleaf... parang pangalan ng emo na banda
Ang bind na gamit nila para sa hardbound ay ang karaniwang bind na makikita mo sa mga hardbound books tulad ng encyclopedia, dictionary, o Bible. Mayroon 'flyleaf' o yung blankong una at huling pahina ng libro na nagdidikit ng cover sa mga nilalaman.

Maganda naman lahat-lahat ang libro, masarap tignan at masarap hawakan. Para ka na ring bumili talaga ng libro mula sa publishing house. Hahaha. Tignan pa ang ibang picture para makita ang ibang parte ng libro.

Sakto lang kapal. Yung yellow at red na string ay yung tahi na nagdidikit sa mga papel
Oo, nakasulat pa ang
title ng libro sa spine!
Magkanetchings naman?

Parehas lang ang presyo ng pagpaprint, madadagdagan lang ng 100PHP para sa hardbound colored cover, 90PHP Para sa soft cover. Ang nagastos ko para sa Blood & Honor (180 Pages, 270PHP ang printing) ay 370PHP, at 160PHP para sa Chicken Heroics (45 pages, 67.50PHP para sa printing).

Saan ka nga uli nagpa-print?

Sa mga print shop sa UP Diliman ako nagpaprint pero siguro sa ibang mga college-geared print shop mayroon din silang colored cover printing.

At ito lang para sa post na ito. Maiksi, ngunit malaman. Sana nakatulong ako sa pagbigay ng ibang paraan upang makamit ang napaka-bihirang RPG book. Maging astig kaibigan!




Dagdag na stuffS: softbound, colored cover

"You role play a knight... who's a chicken"
"You role play a wizard... who's a chicken"
Nangati ako pilasin yung plastic :/


Nakakatuwa art ng librong 'to pramis
Maaayos din ang pagkaprint.