Yay! Sa last article, pinagusapan natin ang TRPG booklets, ngayon paguusapan naman natin ang HARDBOUND BOOKS! HARDCORE! HOSAM! HASTIG! HANLUPET!
Sa huling article, ini-rekomenda kong hanggang 80 pages lang ang i-print. Kung lagpas 80 pages na
iyan, pwede mong i-pa Hardbound Yan! Hardbound dahil wala akong tiwala sa ringbind, kadalasan flimsy yan (kasi ring lang ang suport, pero pag booklet kasi, kumakapal siya dahil folded in half)- kung supplements at add-ons lang pwede siguro ang ringbind, pero focus tayo sa walang kasing hardcore na hardbound.
MAGKANETCHINGS?
Kala mo dissertation! Hindeee! TRPG book yan!
|
Magkano? PHP1.50 para sa isang page, kung back to back PHP3 para sa isang page o dahon. So kuhain ang pahinang iprirprint mo at multiply by 1.50. Ang Tombs & Terrors ay 106 pages, so
106 x 1.50 = 159. PHP159 para sa print, at dahil depende sa size ng print ang presyo ng binding PHP45 lang ang binayaran ko (Kasi a lagpas lang ng 50 ang total leaves eh). Sooo... PHP159 + PHP45 = PHP204 lang ang ginastos ko. HARDCORE!
Maraming meant-to-be-printed PDFs na 400 pages (Ang Fantasy Craft 400 pages eh, pati daw Dungeon World pati iba pa), so PHP600 for print, around PHP100 for boobkind. PHP700 para sa isang hardbound TRPG book! Yay!
Paano Kung Maraming Picture ang Ipri-print ko?
Sabi ni Ate oks lang daw basta black & white. Powder print to, so tipid sa resources PERO malinaw pa rin. As you can see below.Kasing linaw ng araw, wag lang mabasa ng tubig. Ahehehe. |
Saan Naman Ako Pwede Magpaprint?
Kung may college o university sa lugar mo, malamang sa hindi may print shop diyan. Dun! Dun ka magpaprint! Sa UP Diliman ako madalas nagpaprint, pero mura lang daw sa Recto kaya pwede niyo rin subukan dun.May half-elf, pero walang half-dwarf, o half-elf, half-dwarf ng ibang species. Bakit? |
Public domain arts yay! |
I ignore this part of the book. I usually say; 'di ka makagalaw' Yun lang. hahahehe :/ |
Feeling ko meron talaga akong legit na RPG book. |
No comments:
Post a Comment