Sunday, December 7, 2014

KURIPOT GAMER: Sa Pagkukuripot at Pag-gastos

SA PAGKUKURIPOT

Kuripot ako. Halata naman. Hindi ako kumakain sa mga fast food (Joke lang, bihira ako kumain sa fast food). Di ako mahilig magdamit ng bongga (Sa long hair ko, bongga by default na rin naman ako eh). Lagi ako sa turo turo kumakain- it's an acquired taste for the refined and natural for the rugged. Kuripot ako dahil: 1) Di ako mayaman (mababa siguro na roll kong Wealth nung chargen. Ahehe), 2) Maliit lang sahod ko- at marami akong ginagastusan at 3) May kamahalan ang mga TRPG materials.

Mas gusto ko puro 100PHP bills pera ko para feeling mayaman
Ginawa ko ang Kuripot Gamer blog para matulungan ang iba pang mga nagtitipid na gamer, mga gustong maglaro pero nalulula sa mahal ng mga presyo, o dun sa mga ayaw maginvest na malaking pera kasi wala silang malaking pera.

Tandaan: Hindi ko sinasabing mamirata ka ng mga RPG materials. Sa dinami-dami ng Free RPGs na well-supported hindi na kailangan yun.

Ngayon nasa topic tayo ng Free RPGs, karamihan ng mga nili-link kong RPG ay 'Pay-What-You-Want'. Ibig sabihin nito ay pwede ka magbayad ng kahit magkano, pwedeng hindi ka magbayad talaga. Naabuso ko na ata ang PWYW option sa Drivethrurpg at nung nakita ko ang mataas ng kalidad ng maraming RPG, naisip ko na sa oras at effort na binigay ng mga gumawa nito, karapat dapat lang na magbayad ako ng kahit maliit na halaga.

Hindi sila nanglilimos. Wala akong pera ngayon para ibigay sa kanila, pero sa oras na magkaroon ako, hindi ako magdadalawang isip magpasalamat.

Kung wala ka talagang maibabayad, ang pagpapalaganap lang ng kanilang gawa ay maganda rin bayad.

SA PAG-GASTOS

Sa sobrang tuwa ko, hindi ko pa tinatapon
 yung box. Gagawin kong shelf. Haha
Meron akong Castle Ravenlot at Legend of Drizzt boardgames. Mahal sila parehas. Yung Castle Ravenloft nabili ko gamit ng pamaskong binigay sa akin nung summer. Legend of Drizzt, nabili ko nung feeling mayaman na call center agent ako. Ang presyo nila ay naglalaro sa PHP2600-PHP2900.

Ngayon, alam kong hindi lahat ay makakabili ng ganito kamahal na gamit. PERO naniniwala ako na lahat ay makakapagipon ng ganito kalaking pera. Maaari akong magbigay ng tipikal na advice tulad ng; magipon ng bente araw araw, o magalay ng dugo ng kalaban kay Lumawig, o mangholdap ng namamalimos na bulag (joke lang, wag ka mangholdap ng bulag. Yung malakas-lakas puwede), atbp. Pero ang pagbili ng mga ganitong gamit ay maaaring sumahin sa isang pangungusap: kung gusto may paraan. Alam ko, hindi masyadong nakakatulong pero nasa sayo kasi kung makakabili ka talaga o hindi.

Ang Kuripot Gamer ay nandito para tulungan kang i-maximize ang magagawa mo :) Huwag magalala.

No comments:

Post a Comment