Kahit gano ka-PNY ang karamihan ng Pinoy Fantasy films, pag bata ka lahat maganda. Tsaka Peque Gallaga film to! |
Isipin mo ang isang batang umaapaw ang interes sa kakaiba at kakatuwa, kuhain ang naturang bata at itapat sa walang kasing lupit at walang kasing astig na Magic Temple, THE Filipino Fantasy Film. Isang taong gulang pa lang ako nung nilabas ang Magic Temple kaya sa replays tuwing tanghali sa ABSCBN ko na 'to napanuod. Ayos lang, wala ako pake, pag 3 taong gulang ka, wala masyado kalaro, tuwang tuwa sa konsepto ng ibang mundo, perpektong perpekto ang Magic Kingdom.
Note on quality sa mga 'cineast': Aminin natin, medyo PNY (Pwede na yan) ang karamihan ng Filipino Films. Pero Peque Gallaga film 'to, at medyo naaangat nun ang kalidad ng pelikulang to.
Isa pa pala (bago tayo dumating sa pinakapunto ko), hindi ko alam to nung bata pa ako pero naka-base daw sa Igorot (si Jubal), Bisaya (si Sambag), at Mindanao (si Omar) ang mga bida. Walang citation pero meeedyo may sense naman. So yay!
Dati pa man, nawi-wirduhan ako sa 'forehead protector' ni Jubal |
Ngayong namamalagi ako sa mundo ng Tabletop Roleplaying Games, nakakaramdam ako ng kagustuhan maglaro sa mundo ng Samadhi (or at least yung katulad niya). Sa isang mundo na parang probinsya, hindi lumang luma na walang mataas na klase ng teknolohiya, pero yung sakto lang na gumagamit pa rin ng espada at palakol ang mga tao. At bilang natural na nakakatuwa ang mga social gatherings ng mga Pinoy, ayus din na maging comedy RPG 'to.
Naiintindihan ko na 1) Hindi na alam ng mga bata ngayon kung ano ang Magic Temple at 2) Hindi alam ng mga bata ngayon kung ang TRPG'ing. Pero hindi sapat na rason iyon para sa 'kin. Ha! Para sa masayang alalala at kakaibang karanasan, nagdesisyon akong gumawa ng TRPG na tulad ng Magic Temple. Hindi siya gaganapin sa Samadhi, pero gaganapin ito sa mundong katulad ng Pilipinas- pero mas marami at mas brutal ang mga mitolohikal na nilalang.
Ang layunin ng TRPG na ito ay gumawa ng nakakatuwang pareha ng Pilipinas: magkahawig na mga paniniwala at pamahiin, mga nilalang at mahiwagang lugar, armas at pakikipaglaban, mga agimat at anting-anting, Jollibee at Andoks atbp. Malamang wala (o onting-onti lang) ang maglalaro nito pero ang importante ay magawa siya. Hindi ito magiging napakalaking TRPG na may 200+ pahina. Ang layunin ko ay makagawa ng simple at rules-lite na TRPG na pwede laruin ng mga batang na-umay na sa DotA o LoL at gustong sumubok ng ibang laro nang hindi nagbabasa ng English at madali maintindihan ang setting- at syempre dapat nakakatawa ang pakiramdam ng laro, ang komedya ay importanteng parte ng larong ito.
KUNG NABABASO MO ITO, INAANYAYAHAN KITANG TULUNGAN AKO. MAGBIGAY KA NG IDEYA AT SUGGESTIONS. MAG COMMENT SA BABA KUNG GUSTO MO IBAHAGI ANG IYONG IDEYA.
Tandaan: Ibang-iba ito sa Hari Ragat. Ang layunin ng Hari Ragat ay makapaglaro sa mundo ng mga epiko ng etnikong Pilipino. Ang layunin ko ay isang comedy, Dungeons & Dragons-inspired Filipino Tropes TRPG.
No comments:
Post a Comment