Tuesday, March 20, 2018

Free Game: Super Tanods by Kuripot Gamer

Nung January 23, in-upload ko sa Philippine Tabletop RPG group yung unang version ng Super Tanods (well, hanggang ngayon yun pa lang din naman yung natatanging version hahaha). Dami naglike! Ang saya. May mga taong may interest, nakakatuwa. Natutuwa din ako kasi natapos ko yung Super Tanods dahil sa procrastination- minamadali kong tapusin yung isa ko pang laro, yung Alamat ng Astig. Pero dehins ko feel isulat yung Alamat nun, kaya kaka-mamaya ko, heto may natapos akong ibang laro. Kaya naniniwala akong mabuti ang manana habit eh (joke lang!).

Pano mo naisip ito??

Isang araw (or actually, gabi nun eh. Hatinggabi ata??), pumunta ako sa bahay ni BJ para makipag-tsimisang RPG. Ganun-ganun. Pinahiram niya ako ng comics na Andong Agimat. Hardcore pre! Trip na trip ko! Kasi ganun din naisip ko eh, kung may superhero sa Pilipinas na Filipino-style talaga, mga a la Pepeng Agimat o Pedro Penduko sila. Nung bata kasi ako, sila yung kinalakihan kong ‘super hero’. Sa agimat o salamangka galing ang kapangyarihan at mga asuang at maligno ang kalaban. Kaya vibes na vibes ko yung Andong Agimat.

Sunod na bisita ko kay BJ, brainstorming naman. Bigla lang pumasok sa isip ko; “Paano kaya kung ang mga superherong Pinoy eh isa lang powers? Tapos galing pa sa agimat?”. Nung binanggit ko yun kay BJ, sumagot siya; “Edi parang ano sila pare, parang Tanods. Parang Super Tanods”

TING! Nyeta, biglang light bulb moment. Nung pagkasabi ng BJ, sinulat ko agad sa notebook ko yung mga initial idea ko. Pagkauwi ko, dehins na ako natulog sinulat ko agad sa papel. Sabi ko sa sarili ko tatapusin ko ito ng 24 hours! Whoo! Actually, nagawa ko naman. 24 hours nga, pero hati-hati. Natapos ko ito sa loob ng 3-linggo mga, isang beses isang lingo ko lang binalik bago ko sabihing tapos na ako.

Bakit mo ginawa to??

Bakit hindi? Sabi ko nga sa intro paragraph ko, produkto ng manana habit itong larong ‘to (wag niyo ako tularan). May ideyang pumasok sa isip ko, ayaw ko gawin yung orig na ginagawa ko, tapos sinulat ko to. Parang artistic exercise ba (taraaay!), or as I like to poetically (puwetically!) put it: parang utot na kailangan ilabas. Kesa mapanis sa utak ko, sinulat ko. Wala naman sigurong masamang mangyayari kung ilabas ko diba?

- - - -


Kaya eto, kung gusto niyo laruin, free download siya mga ‘tol. Siguro kung magka-pera ako eh gagawan ko ito ng art or whatnot. Kung gusto niyo magcontribute ng art, tara! Mapaguusapan naman natin yan. Kung gusto niyo kalikutin, gora lang. Basta pag may nagtanong kung sino may pakana, sabihin ni si Fabs (pag inaway kayo, resbak niyo ‘ko). Enjoy mga trops!

Tuesday, February 27, 2018

Nagbabalik si KURIPOT GAMER!!!

Kamusta mga trops! Muling nagbabalik si Kuripot Gamer! Medyo matagal ako nawala (‘medyo’ pa ba ang dalawang taon???), dami nangyari sakin.

Taray, action star!
Inuulit ko, kamukha ko lang si
Fabio Makisig. Binully niya nga
daw si BJ eh

Taartits na ako mga tsonggo at tsonnga! ‘De joke lang. May indie film project trops ko, dinamay niya na ako. Long hair daw kasi ako, marunong magstunts, tsaka mukhang matanda. So bali tipid sila sa actor hehe. Abangan niyo ‘to, Filipino mythology inspired siya, so happiness!

Tsaka ano pala, kamukha ko lang si Fabio Makisig. HINDI AKO SI FABIO MAKISIG.


Na-busy kasi ako nung makalipas na dalawang taon, dami nangyari sakin. Daming ups & downs mga ‘tol, mas maraming down kesa sa up pero okey lang. Alam niyo kung bakit? Kasi kahit na anong ka-hardcoreness ng haybol eh pede naman akong maglaro ng RPG. Pangtakas ko yun, para makalimot naman ng everyday humdrum ekek.

Wala lang itong post na ito mga tropa, ‘para sa demonyo’ post lang to. Tsaka announcement na rin! Sa taong ito, makakaasa kayong:

1. More free shit! Yay! Magli-link ako ng mga free games todits, tapos short review!

2. Free Kembot Games! Bali ano kasi, nagsusulat din ako ng games. Ilalagay ko dito, like & share niyo, donate kung trip, basta enjoy-in niyo yung laro! Happiness!

3. Mas marami pang kuripot tips! Syempre, para saan pang ako si Kuripot Gamer diba?

Kaya ayun, maligayang 2018. Sana hardcore din ang haybu niyo this year. Pag hindi, okey lang yan! Laro tayo ng RPG para lumubag naman loob mo kahit onti.