Kamusta mga trops! Muling nagbabalik si Kuripot Gamer! Medyo
matagal ako nawala (‘medyo’ pa ba ang dalawang taon???), dami nangyari sakin.
Taray, action star! |
Inuulit ko, kamukha ko lang si Fabio Makisig. Binully niya nga daw si BJ eh |
Taartits na ako mga tsonggo at tsonnga! ‘De joke lang.
May indie film project trops ko, dinamay niya na ako. Long hair daw kasi ako,
marunong magstunts, tsaka mukhang matanda. So bali tipid sila sa actor hehe.
Abangan niyo ‘to, Filipino mythology inspired siya, so happiness!
Tsaka ano pala, kamukha ko lang si Fabio Makisig. HINDI AKO
SI FABIO MAKISIG.
Na-busy kasi ako nung makalipas na dalawang taon, dami
nangyari sakin. Daming ups & downs mga ‘tol, mas maraming down kesa sa up
pero okey lang. Alam niyo kung bakit? Kasi kahit na anong ka-hardcoreness ng
haybol eh pede naman akong maglaro ng RPG. Pangtakas ko yun, para makalimot
naman ng everyday humdrum ekek.
Wala lang itong post na ito mga tropa, ‘para sa demonyo’
post lang to. Tsaka announcement na rin! Sa taong ito, makakaasa kayong:
1. More free shit! Yay! Magli-link ako ng mga free games todits, tapos short review!
2. Free Kembot Games! Bali ano kasi, nagsusulat din ako ng games. Ilalagay ko dito, like & share niyo, donate kung trip, basta enjoy-in niyo yung laro! Happiness!
3. Mas marami pang kuripot tips! Syempre, para saan pang ako si Kuripot Gamer diba?
Kaya ayun, maligayang 2018. Sana hardcore din ang haybu niyo
this year. Pag hindi, okey lang yan! Laro tayo ng RPG para lumubag naman loob
mo kahit onti.