Naghanap-hanap ako ng mga libreng RPG, naisip ko sa larong ito malamang sa hindi ay may mga taong gusto lang talaga ang intellektwal at personal na catharsis (Google mo na lang) na dala ng TRPGs- walang perang kasama. At oonga! Sandamukal pala ang libreng TRPG. Hindi kailangan gumastos ng mahal para lang makapaglaro gamit ang imahinasyon. Marami pa sa kanila d6 lang ang kailangan. Heto ang mga nakita ko sa aking deep-web adventures, tandaan na lahat ng ito ay libre
1. Dungeonslayers
- katulad ng mga sinaunang Dungeons & Dragons na mas may focus sa 'Dungeon Crawling' (Kasi nga naman masarap maligaw sa isang madilim, masikip at mabahong lugar na may mga nilalalang na kaya kang patayin). Marami at maganda ang mga laman nito; medyo kumplikado matutunan kung hindi ka pa sanay sa hardcore na abbreviations (Ano ang THAC0?). Pero wag mag-alala, hindi ito ganun kahirap matutunan, wag lang matakot sa mga terms at jargons. Magaan at hindi masyado kumplikado kung ikukumpara sa Pathfinder o Dungeons & Dragons 3rd, 3.5, at 4th Edition (May naglalaro pa ba ng 4e?).
At bago ko makalimutan: d20 lang kailangan sa larong to. DIBA! Sabi sayo masaya kahit d20 lang ang meron ka eh. Isang d20 okay na, pero mas maganda kung lahat ng players meron.
2. Heroes Against Darkness
- sa 231 pages niya, napabigat na ng libreng RPG na ito. Ang HAD naman ay parang makabagong Dungeons & Dragons, mas madali matutunan ang mga rules (Dahil wala masyadong addition, pataasan lang ng total). Maganda ito kung baguhan ka at gusto mo ng laro na SOBRANG DAMI ang mga laman (pero libre) niya na hindi ka mauubusan ng mga pwedeng idagdag sa laro mo. Maganda rin ito sa mga baguhang Game Masters dahil sa mga guide charts para sa mga posibleng mangyari sa laro. Kailangan mo ng polyhedral set para dito, pero kahit isang set lang OK na.
3. Tombs & Terrors
- kakatuwa ang TT (hahahihihihehehe. Ahem. Mature na ako), napakasimple lang ng Core Mechanic niya (Na ituturo agad sa first page. Odiba!), roll d20, idagdag (o ibawas) ang mga modifiers mo (kung gwapo character mo +2 Charisma, kung may halitosis siya -4 Charisma) at ipagdasal sa mga Anito na mas mataas ang makuha mo kay sa sa Target. Tipid din ang monster system dito, derecho at hindi nakakalito. Sapat na ang laman niya para makapaglaro ka, at kailangan mo ng set ng polyhedral para dito.
4. Warrior, Rogue & Mage
- Wooohooo. Warrior, Rogue & Mage o WRM for short. Kung natuwa ka sa Skyrim matutuwa ka dito: walang Class o Job, nakadepende sa tatlong attributes (Warrior kung a la FPJ's Panday ka, Rogue kung gusto mo na parang Snatcher sa Tondo, o Mage kung Ernie Baron ang trip mo) ang kakayahan ng character mo kung kaya't pwede ka magkaroon ng rogue na pwede mag-magic. Simpleng-simple (napaka simple actually) ang rules, hindi ka mahihirapan matutunan. Marami itong supplements na pwede mo idagdag kung gusto mong pa-bonggahin pa lalo laro niyo. Ang pinaka-astig na parte ng WRM? d6 lang kailangan mo. YAAAY!
5. Azamar the RPG
- d6 lang ang kailangan sa larong ito, at parang Dungeons & Dragons din. Di ko pa nasusubukan ito, pero dahil d6 lang naman kailangan niya, sinama ko na rin dito.
6. Fate Core & Fate Accelerated
-sinuggest ni Marc Reyes sa akin ang Fate nung nagreklamo ako sa Facebook kung bakit ang mahal ng mga game systems. Para sa isang libreng game system, napaka-pulido at propesyonal ng presentasyon ng Fate. Kailangan mo ng special na d6 para dito, pero okay na rin naman ang 4d6 na normal.
Walang setting ang Fate, ikaw bahala kung saan mo gusto gamitin ito. Gusto mo i-roleplay ang Noli at El Fili (Para matupad ang Elibarra yaoi fantasy mo?! BAKIT?), edi sige! Maganda ito dahil hindi parang video game sa papel ang dating, kundi story telling.
7. d12 RPG
- NAPAKASIMPLE ng core mechanic ng d12, at simple din ang character creation. Ilang pahina lang ang player's guide, pero hindi ibig sabihin nun hindi na nakakatuwa ang larong ito. At saka, kung wala kang d12, pwede kayong gumamit ng 2d6. Mas mapupunta sa medium-range ang rolls mo pero oks na rin. Asteeeg!
8. d6 RPG
Kung ito ang system na gusto mo subukan, magandang marami kang d6- magandang marami kang d6 kahit ano mangyari. D6! DDDD66666! Mabubuhay ka sa d6 lang. Seryoso
9. Gods of Gondwane
- ang GoG ay gawa ng isang Noypi, kung may paki ka sa Filipino Pride. Hindi ito ang tipikal na fantasy mo; ikaw ay nasa Jurassic era (may dinosaurs! Asteeeg! Pwede ka sumakay ng dinosaur! Mas asteeeeeg!) at maaari mong lakbayin at bisitahin ang iba-ibang kakatuwang lugar sa Gondwane. Paalala: hindi ito field trip kung kaya't asahang hahabulin ka ng kakaibang mga halimaw, mga mutants, neanderthals at iba pa.
10. Rewired
- naka-base ang larong ito sa WRM (Warrior, Rogue & Mage) kung kaya't d6 lang ang kailangan at madali lang din matutunan. Kung cyberpnuk naman ang trip mo, magandang tignan ito. Naka-layout ito na parang booklet kung kaya pwede mo i-print at basahin lang sa kama mo (hahahehehe. Gusto ko yung feeling ng physical copy eh). Madali matutunan para sa baguhan, madali patakbuhin para sa bagong GM: subukan ang Rewired kung mala-William Gibson o FF7 trip mo (at least yung Midgar)
11. Resolute, Adventurer & Genius
- kung Indiana Jones trip mo, o Armor of God na adventure ang gusto mo magandang tignan ang RAG. Sa WRM pa rin nakabasa ang larong ito kung kaya't wag matakot! D666666!!!!
12. Badass
- gawa ng isa pang Filipino gamer, ang Badass ay ang TRPG mo kung gusto mo ng action film na hindi sinusunod ang Laws of Physics, may mga astig na one-liner at 3 minute training montages. Simple lang ang rules at nakakatuwa laruin. Dapat ASTIG! Ang title eh. Haha.
Sa ngayon heto muna ang mga larong aking ilalagay, sa bawat araw na lumilipas ay may mga libreng TRPG ginagawa kung kaya't madagdagan at madagdagan ang mga libreng RPG kung kaya't magdadagdag din ako! Hardcore! Hanggang sa susunod!
Pahabol:
Pwede rin naman kayo na lang ang maghanp. Magandang magsimula sa listahan ng mga libreng RPG na ito: Eric Garrison's The Compendium of Free Role Playing Games
No comments:
Post a Comment