Sunday, November 16, 2014

KURIPOT GAMER: Mga Kailangang Armas sa TRPG

Interesado ka ba maglaro ng Dungeons and Dragons (o iba pang TRPG) pero hindi mo alam ang mga kailangan para makapaglaro? Wag magalala! Susolusyunan natin yan!

1. System
Andaming game systems! Aaargh!
Bago mo isipin na kailangan mo ng computer para sa 'game system', tandaan na ang game system ng mg TRPGs ay ang mga rules na nagpapatakbo ng laro. Sobrang dami ang game systems na available, yung iba ay specific sa isang genre (dahil may horror, scifi, cyberpunk at lesbian TRPG games din- hindi lang fantasy) at ang iba naman ay 'generic' o puwede sa iba ibang genre.
Ika nga ni Tobie Abad ng Tagsessions: 'Hindi lang D&D ang TRPG sa mundo'. Marami pang ibang system at maraming system na LIBRE LANG! Gumawa ako ng listahan ng mga TRPG system na madali matutunan, d6 o isang set lang ng polyhedrals ang kailangan. Abangan ang listahan sa susunod na linggo! Asteeeg!

Pero kung trip mo talaga ang D&D, tignan mo ito. Libre lang ang Basic Rules ng D&D 5th edition, kakaunti lang ang nakalagay dito pero sapat na para gumawa ng campaign (imagination lang naman kailangan eh. Pati oras)

Added (11/24/2014 7:35AM): Heeeto na! Ang mahiwagang listahan!


2. Dice
Gumawa ako ng special post para dito! Yay! Isa ito sa pinakamahirap hagilapin kung kaya't nagsadya ako ng isang post para dito. Abangan! Hardcore hintayan!

(Added 11/27/14 8:27AM) Heeeeto na! And hardcore dice hunting guide!
Aangat ang Geekness Level mo pag may ganito ka.
3. Minis at Maps (Hindi Importanteng importante pero pwede na rin)

Hindi mo kailangan ng miniatures o maps(pero astig naman sila) para makapaglaro ng TRPGs. Maraming rule system na hindi required ang minis, at hindi rin naman ito malaking kawalan. Peeero dahil nga ang motto natin dito eh: 'mapaparaanan at makukuriputan yan!', heto ang Free Paper Minis mula sa Drivethrurpg.com (pwede mo ring bisitahin ang website na yan para sa mga free rpg. I-click mo lang ang 'free' sa price box sa kaliwa)

Matagal kong pinagiipunan ang D&D Boardgames kung kaya't halos di ko
sila gamitin sa takot na masira o mawala ang marami at maliliit na piraso nito
Paper Minis: I-print mo ito sa card stock. 20PHP lang ang 10 piraso ng matigas tigas na stock paper sa National Bookstore. O pwede mo rin i-print sa normal na papel at idikit sa folder o illustration board diba. Hardcore utakan lang yan!

Maps & Cut-out Buildings: Kung gusto mo ng astig na playing field na kumpleto ng bahay at kung ano-ano pa, bisitahin mo ito. Pag sa paper buildings mas magandang sa card stock ka magprint.





Iba pang kailangan:

Lapis at papel - kung hindi mo alam kung saan makakabili ng lapis at papel... hindi ko rin alam. Huwag mo ako tanungin!

Mga kalaro - medyo mahihirapan ka dito kung ikaw ay isang teenage introvert na wala masyado kaibigan at mahiyain pa. Huwag mag alinlangan bisitahin ang mga FB page na ito, maraming magagawa ang kapal ng mukha (Hindi lahat maganda):

Philippine Tabletop RPG
Dungeons and Dragons Philippines
Dungeons and Dragons Adventurer's League Philippines
Makati BnB

Lugar na paglalaruan - kailangan mo ng isang lugar na pwede kayong magingay ng mga kasama mo ng apat na oras ng walang pipigil sa inyo. May mga gaming cafes na sa Pilipinas pero medyo may kamahalan ang presyo kung kaya subukan na lang sa mga parke (para feel na feel niyo ang 'wilderness exploration'), sa bahay nga kaibigan (mag paalam sa magulang) o kung saang lugar na tahimik at wala kayong maiistorbo.

At iyan ang mga kakailanganin para makapagsimula ka sa masayang mundo ng TRPGs! Happiness!

No comments:

Post a Comment