Tuesday, November 11, 2014

KURIPOT GAMER: Karanasan sa Mundong Kakaiba at Kakatuwa

Masaya makipagkuwentuhan, masarap gumawa ng mga kuwento at 'experiences' kasama ang mga kaibigan mo. At masarap din lumipad sa ibang mundo (Say no to drugs kids) at tuklasin ang mga bagay na kailan man ay hindi dumapo sa ating isipan. Mula sa mga alamat na kinukuwento ng ating mga lolo at lola, hanggang sa Final Fantasy at kung ano pang computer RPG, at sa mga kuwentong ito ay nagkakaroon tayo ng malayong karanasan. Malayong karanasan na maari nating ikuwento sa ating mga kaibigan.

Sa panahon ngayon, naging paraan na ng mga kabataan ng gumawa ng 'experiences' sa pamamgitan ng mga computer games tulad DotA, Final Fantasy, Pokemon, LoL, etc (o kung ano mang nilalaro niyo). Papasok ka ng paaralan at maririnig mo ang maingay na kuwentuhan kung anong nangyari sa laro, sino na-first blood, sino maraming na-push at kung ano ano pa.

Hindi lang ito ang paraan para makabuo ng kakaibang karanasan, ang sinaunang paraan ay hindi dapat kalimutan: Tabletop Roleplaying Games.

Sa panahong lipas na ay walang computer games, walang Final Fantasy, walang Warcraft. Kailangan magisip upang mabusog ang pagkahilig sa maka-ibang mundong panigip at pantasya. Mula sa iba-ibang mitolohiya at mga nobela ni JRR Tolkien, Jack Vance, atbp (at sa mga rules mula sa wargaming) ay nanggaling ang Dungeons & Dragons, ang pinakaunang TRPG, at ang pinakasikat ngayon.


D&D session

Gamit lamang ang lapis at papel (hindi pa kasama dating ang mga kakaibang dice at astig na minis), gumawa ng personal na mundo ang mga bagot na bagot na si Gary Gygax at Dave Arneson, at mula sa kasagutan ng pagkabagot nila ay nagmula ang pundasyon ng mga RPGs sa buong mundo.

ANO ANG TRPGs (Tabletop Roleplaying Games)?

Toilet paper para sa luha ng namatay na PC o sa pagka-lito ng GM
Kasama ang mga kaibigan mo, gagawa kayo ng kwentong ginaganap sa mundong di tulad ng atin, kung saan maaring may lumilipad na kotse o salamangkang nakamamaty. May isang gaganap na Game Master, wala siyang karakter at siya ang magiging 'computer' o engine ng inyong laro. Siya ang kalaban na inyong papatayin (o aakitin), ang gubat na inyong tatahakin at ang NPC na inyong iinisin. Siya ang magdedesisyon ng mga bagay-bagay sa laro, kung kaya't dapat patas ang inyong GM (O di kaya'y wag kayo kumuha ng GM na hindi mapagkakatiwalaan. HA!). Ang mga natitirang manlalaro ay ang mga Players, at sila ang may mga Player Characters o mga karakter na ginagampanan sa laro. Malaya silang gumawa ng karakter na naayon sa kagustuhan nila, hangga't na sa saklaw ng laro ang kanilang karakter (huwag inisin ang GM at i-pilit ang iyong Sci Fi hero sa isang High Fantasy setting. Pero bakit hindi nga naman diba?).

Kung dragon ka na at may matitigas na scales,
ba't kailangan mo pa mag-armor?
Maaari mong buhayin ang mga tagong pangarap mo sa TRPGs. Gusto mo maging astig na Metal-Armored DRAGON knight sa mythic medieval Europe? Pwedeng pwede yan!

di ko pa nalalaro to. From CJ Carella's Witchcraft.
Libre lang yun, i-Google mo na lang











      O di kaya'y gusto mo maging mala-Buffy the Vampire Slayer?

At salamat kay Dariel mula sa Hari Ragat Games, maari mo na ring buhayin ang mga sinaunang bayaning balot ng tattoo at nakasuot ng bahag!
Dahil walang kasing astig mamugot
ng ulo habang nakabahag! Yeeey!





Pwede ring maging Jedi sa galaxy far far away!
Pwede ring maging si Chewbacca na lang. O si Jarjar



Maaari kang maglakbay sa malalayong lugar na sa imahinasyon lamang matatagpuan, makipag kaibigan sa mga kakaiba at kakatuwang nilalang: at lahat ng ito ay sa isipin MO magaganap kung kaya't ikaw ang magbibigay kulay sa mundo nila.

Malaya kang maglakbay at maging kung anong gusto mo sa mundo ng TRPGs, kung kaya't maghanap na ng Party at simulan ang paglalakbay!

Sana maging maganda ang inyong mga biyahe! Asteeeg!
Abangan ang susunod na blog para malaman kung paano magsisimula (at makakatipid) sa asteeeg na mundo ng TRPGs!

No comments:

Post a Comment