Wednesday, November 26, 2014

KURIPOT GAMER: Dice Dice Beybeh! Orayt stap! Kolaboreyt en lisen!...

Singhutin mo ang amoy ng plastic o marmol (teka, marmol ba to?) na polyhedral dice! Maraming laro na nangangailangan ng special dice, may mga larong d10s lang kailangan, may ibang full polyhedral set, meron din ibang d6s lang at meron din walang dice na kailangan! Astig diba! Pero dahil karamihan ng laro ay kailangan ng espesyal na klase ng dice, magandang may polyhedral set ka pa rin.

Bago tayo lumangoy sa masakit at mabatong mundo ng dice-hunting dito sa Pilipinas, alamin muna natin ang common terms para dito:

d4 = mas masakit kay sa lego
dn = dice Number ng sides ng dice. Kapag d6, yung ang normal na 6-sided die. d4 ay 4-sided die, d8 ay 8-sided die, d10 ay 10-sided die, d12 ay 12-sided die, at d20 ay 20-sided die. Ang Percentile Die ay d10 na imbes 0-9 nakalagay, ay 00-90.

ndn = makikita mo ito sa mga rulebooks, at ibig sabihin lang ng 'n' bago ng dn ay numero ng dice ng kailangan mo. Ang ibig sabihin ng 2d6 ay dalawang d6, 4d4 ay apat na d4, etc. Ang 1d100 ay d10 at percentile dice, para makakuha ng pursyento, sabay mo silang ibato, kuhain ang numero sa percentile (e.x. 60) at numero sa d10 (e.x. 8). Ang d10 ay ang ones at ang percentile ay ang tens (e.x. 68). Odiba! Mamagamit mo na rin natutunan mo sa paaralan! Asteeeg!

May kakaibang hiwaga na bumabalot sa mga polyhedrals. Pag binabato mo lang siya, lagi kang makakauha critical (yun ang pinaka-mataas na numero ng die. E.g. ang pinakamataas na numero ng d8 ay 8, ng d20 ay 20) pero sa laro masaya na pag makakuha ka ng numero na nasa gitna. Bukod sa angking hiwaga, may kakaibang ganda din ang mga polyhedral. Masarap titigan at masarap hawak-hawakan (ano?). Masarap ipagyabang sa mga geek na kaibigan (Akala ko ba geek ka?! Ba't di mo alam ang D&D? Joke lang, huwag ako tularan). Ngunit kasama ng kanyang hiwaga ay ang hiwaga kung paano ito makuha.

Diderechuhin kita:
MAHIRAP MAKAHANAP NG POLYHEDRALS SA PINAS.

Kung d6 lang, madali lang. Maraming magagandang d6 sa National Bookstore.

Pero d4-d20, mahirap. Pero hindi impossible. Eto ang mga listahan kung saan pwede bumili ng polyhedrals:

1. Gaming Library
Man, astig ang Gaming Library! Pagpasok mo pa lang makikita mo yung mga terrains for wargames and tons of boardgames, gaganahan ka na maglaro. Maraming available games dito (duh. Kaya nga Gaming Library eh. Hahaha. Joke), minsan may D&D Board Games pa. Kadalasan may polyhedrals sila, kaya tignan-tignan mo na lang website nila para malaman kung meron (Refer to Port Congestion sa Manila. :| Kainis)


2. Neutral Grounds
Malaki ang tiyansa na nakakita ka na ng Neutral Grounds shop sa mga mall, at halata naman sa dami ng board games sa display nila (kahit may bias sila sa Magic: the Gathering) ang posibilidad na may polyhedrals sila. Yeeep. Meron nga. For 350PHP makukuha mo ang pitong pinaka-gamit na polyhedrals. Meron din silang mga d20s for 50PHP at pinapayo ko na bumili ka ng kahit isa: isang d20 lang okay na para sa maraming TRPG systems (Ako bahala, ieexplain ko kung paano mo gagawin yun ;)




3. Fortress Games
Maraming magagandang dice sa Fortress, at minsan meron din silang mga D&D Boardgames at Rule Books. Bisitahin mo FB page nila for more info.








4. Abubot.ph
- Manila-based online shop ang abubot.com. Nagbebenta sila ng geek-inspired stuffs at syempre kasama diyan ang polyhedral dice (kasi nga diba, crowning glory ng geek maka-Natural 20)! Sa presyo na 300PHP-350PHP + 80PHP sa shipping (kung nasa Manila ka) ok na rin, kung lalabas ka pa ng bahay gagastos ka rin pamasahe, halos parehas lang din- masisinghot mo pa anghit ng Maynila.

5. Your Friendly Neighborhood Magic: the Gathering Shop.
Kadalasan may mga d20 silang binebenta, at tulad nga ng sinasabi ko, sasapat na ang isang d20 para sa maraming laro.

(Added 11/27/14 8:33AM) Sabi ni Erik Eleazer ng PTRPG ay meron daw polyhedral sets sa Kick Engines MTG sa Cubao Expo kaya yeeey!

(Added 12/2/14 12:02 PM) Ni-recommend Miah Orduna ng Dungeons & Dragons Philippines CS Magic Shop.

Sa ngayon lang ang mga lugar na maimumungkahi ko, pero siyempre pag makalaam pa ako ng iba, ilalagay ko yun dito.

Kung gusto mo mabasa ang personal na kuwento ko tungkol sa dice, basahin mo dito: astig!

No comments:

Post a Comment