Halata naman sa ngiti ko diba?! |
Mga Kuwento ng mga Dice:
Unang d20. Yabang ko nun, mantakin mo: perstaym makakita ng mga tropa ko nito! |
Ang una kong polyhedral ay ang d20 na kasama sa Castle Ravenloft. Binigyan ako ng tito ko ng pamasko (sa summer? Summer niya binigay eh), tatlong libo. Nakita ko yung ad sa sulit.com (na olx.com na ngayon) mga isang buwan bago ako magkapera. Halos ipagdasal ko sa mga anito na sana hindi pa bilhin, at sinuwerte nga ako, nabili ko. Kasama nung mga minis at maps ay isang itima na d20, ang aking unang d20. Yay!
Lagi ko nakakalimutan kung saan niya nabili to |
Pagkatapos nun, binigyan ako ng girlfriend ko ng d4 at d8 na granite, nabili niya yata sa isang Magic the Gathering shop.
Sa Makati ko to nabili. Di alam nung tindera kung ano ang d20 |
Tapos, bumili naman ako ng 2d20 sa isa pang Magic the Gathering shop (o Neutral Grounds ba yun? I forget).
Sino magaakala na may d12s ang National Bookstore? At bakit meron? Haha |
Tambay ako sa National Bookstore, nagbabasa ng mga librong di ko kaya bilhin. At may napansin ako: mahiwagang d12! Ang liit! Ang dami! Syempre di ko na pinalagpas. 30PHP lang, nagka 12mm 10d12 pa ako. Yay!
Kakulay niya si Drizzt! Or at least yung theme color ni Drizzt. |
Eto naman nakuha ko sa Dungeons & Dragons Boardgame: Legend of Drizzt. Tagal ko din pinagipunan yun!
Feeling mayaman |
Alam mo yung Monami na kendi? |
d20 with glitters! |
Aaaaat dahil nag-GM ako para sa Hari Ragat game kasama si Marc sa Makati B&B, binigyan niya ako ng isang set ng blue polyhedrals! YUSSS! Eto na ang favorite set ko kasi yung nabili ko sa Neutral Grounds eh Gold on Red & White ang color scheme, di ko mabasa ang numbers (hardcore diba, may dyscalculia na nga ako, eh myopic pa mata ko! Waw!)
Lumilipad ako sa kasiyahan. BLUE! AT NABABASA KO ANG NAKALAGAY! |
Yan ang aking dice story aaat syempre, sana makanahap ka rin ng dice (Basahin ang ito). Yay!
Pahabol:
Sandamakmak na d6 dahil kailangan mo ng marami nito |
Yay to dice collections!
ReplyDeleteI always felt gamers will never have too many dice, sort of like how women will never have too many shoes.
http://tagsessions.blogspot.com/2013/06/i-will-admit-it-i-am-addicted-to-dice.html
I keep telling myself not to buy dice kasi ang mahal niya, but when I see the shiny edges, the beautiful engravings...
Deletehttp://q-workshop.com/ -- drool away, Fabs, drool away ... :-p
ReplyDelete