Thursday, November 27, 2014

The Blue-green House

Life unnerved
and pinnacles destroyed
We traverse on the not-often walked path

Anachronists we are
Born in the wrong time
Our mere existence is a crime

In the house of blue green
We have sex and conversations
And this is simply what it seems

Sunstarer
Now you are hidden

Eclipsed by situations
that has gone out of hand
In-hand actually
But boy of many self overreacts

Years will pass by
But together we will stay
A testament of friendship and love
In this sad, sad day


I'm Going to Die Soon

People always tell me I'm rushing.

I'm 19 years old, college undergradute but working as an English tutor- specializing (bongga diba!) in speaking. I don't look 19. I don't have credentials for my work. I've been an English tutor for half a year now and none of my students know I'm 19. They think I'm in my early 20s (I look the part anyway). Mind you, these are face to face classes so I mask whatever 'childishness' I have (and I have lots of them).

Starting this December, I'll be working 6 days a week, from 7-2:30 every weekdays (with a 6-9PM work on Wednesdays and Fridays), and 7-5PM every Satuday. No, I don't earn big if that's what you're thinking (despite the work hours and 2 jobs). I have better uses for my money (for near-future stuff and people I might leave behind mostly).

And because of my actions, of how I lead my life, of how I talk, how I am: people tell me I'm rushing.

You're too young. Nagmamadali ka ata. At your age, you should still be hanging out. 19? I was out chilling with my friends when I was 19.

And yes, I am rushing. I know. I don't feel 19, so you can drop the age thing. Never belonged in my age group anyway. But yes, I am rushing.

No, I will not slow down.

I am dying.

I am in the threat of death at every passing second.

So are you.

No, I don't have a terminal disease
No, no one is after me
No, I'm not going to kill myself

It's just that I feel I'll die soon. I don't want to die soon, I have many things to live for. I have a beautiful girl who loves me. She's a natural 20 in my life of median numbers. At this point, I want to live long if she's going to be with me. But I feel I'm dying.

The threat of death makes me feel alive, it makes others feel alive too. That's why there are daredevils. While I don't claim to be one, I've taken it to the extreme.

I need to do as much as I can before the winds of existence blows away my name on the sand. And this my friends, is the only reason why I'm rushing life.

Be patient like a snake who knows when to strike
Be enduring like a tortoise who knows not to stop

I am patient. I strike when the time is best. The best time is now.

Wednesday, November 26, 2014

KURIPOT GAMER: Dice Dice Beybeh! Orayt stap! Kolaboreyt en lisen!...

Singhutin mo ang amoy ng plastic o marmol (teka, marmol ba to?) na polyhedral dice! Maraming laro na nangangailangan ng special dice, may mga larong d10s lang kailangan, may ibang full polyhedral set, meron din ibang d6s lang at meron din walang dice na kailangan! Astig diba! Pero dahil karamihan ng laro ay kailangan ng espesyal na klase ng dice, magandang may polyhedral set ka pa rin.

Bago tayo lumangoy sa masakit at mabatong mundo ng dice-hunting dito sa Pilipinas, alamin muna natin ang common terms para dito:

d4 = mas masakit kay sa lego
dn = dice Number ng sides ng dice. Kapag d6, yung ang normal na 6-sided die. d4 ay 4-sided die, d8 ay 8-sided die, d10 ay 10-sided die, d12 ay 12-sided die, at d20 ay 20-sided die. Ang Percentile Die ay d10 na imbes 0-9 nakalagay, ay 00-90.

ndn = makikita mo ito sa mga rulebooks, at ibig sabihin lang ng 'n' bago ng dn ay numero ng dice ng kailangan mo. Ang ibig sabihin ng 2d6 ay dalawang d6, 4d4 ay apat na d4, etc. Ang 1d100 ay d10 at percentile dice, para makakuha ng pursyento, sabay mo silang ibato, kuhain ang numero sa percentile (e.x. 60) at numero sa d10 (e.x. 8). Ang d10 ay ang ones at ang percentile ay ang tens (e.x. 68). Odiba! Mamagamit mo na rin natutunan mo sa paaralan! Asteeeg!

May kakaibang hiwaga na bumabalot sa mga polyhedrals. Pag binabato mo lang siya, lagi kang makakauha critical (yun ang pinaka-mataas na numero ng die. E.g. ang pinakamataas na numero ng d8 ay 8, ng d20 ay 20) pero sa laro masaya na pag makakuha ka ng numero na nasa gitna. Bukod sa angking hiwaga, may kakaibang ganda din ang mga polyhedral. Masarap titigan at masarap hawak-hawakan (ano?). Masarap ipagyabang sa mga geek na kaibigan (Akala ko ba geek ka?! Ba't di mo alam ang D&D? Joke lang, huwag ako tularan). Ngunit kasama ng kanyang hiwaga ay ang hiwaga kung paano ito makuha.

Diderechuhin kita:
MAHIRAP MAKAHANAP NG POLYHEDRALS SA PINAS.

Kung d6 lang, madali lang. Maraming magagandang d6 sa National Bookstore.

Pero d4-d20, mahirap. Pero hindi impossible. Eto ang mga listahan kung saan pwede bumili ng polyhedrals:

1. Gaming Library
Man, astig ang Gaming Library! Pagpasok mo pa lang makikita mo yung mga terrains for wargames and tons of boardgames, gaganahan ka na maglaro. Maraming available games dito (duh. Kaya nga Gaming Library eh. Hahaha. Joke), minsan may D&D Board Games pa. Kadalasan may polyhedrals sila, kaya tignan-tignan mo na lang website nila para malaman kung meron (Refer to Port Congestion sa Manila. :| Kainis)


2. Neutral Grounds
Malaki ang tiyansa na nakakita ka na ng Neutral Grounds shop sa mga mall, at halata naman sa dami ng board games sa display nila (kahit may bias sila sa Magic: the Gathering) ang posibilidad na may polyhedrals sila. Yeeep. Meron nga. For 350PHP makukuha mo ang pitong pinaka-gamit na polyhedrals. Meron din silang mga d20s for 50PHP at pinapayo ko na bumili ka ng kahit isa: isang d20 lang okay na para sa maraming TRPG systems (Ako bahala, ieexplain ko kung paano mo gagawin yun ;)




3. Fortress Games
Maraming magagandang dice sa Fortress, at minsan meron din silang mga D&D Boardgames at Rule Books. Bisitahin mo FB page nila for more info.








4. Abubot.ph
- Manila-based online shop ang abubot.com. Nagbebenta sila ng geek-inspired stuffs at syempre kasama diyan ang polyhedral dice (kasi nga diba, crowning glory ng geek maka-Natural 20)! Sa presyo na 300PHP-350PHP + 80PHP sa shipping (kung nasa Manila ka) ok na rin, kung lalabas ka pa ng bahay gagastos ka rin pamasahe, halos parehas lang din- masisinghot mo pa anghit ng Maynila.

5. Your Friendly Neighborhood Magic: the Gathering Shop.
Kadalasan may mga d20 silang binebenta, at tulad nga ng sinasabi ko, sasapat na ang isang d20 para sa maraming laro.

(Added 11/27/14 8:33AM) Sabi ni Erik Eleazer ng PTRPG ay meron daw polyhedral sets sa Kick Engines MTG sa Cubao Expo kaya yeeey!

(Added 12/2/14 12:02 PM) Ni-recommend Miah Orduna ng Dungeons & Dragons Philippines CS Magic Shop.

Sa ngayon lang ang mga lugar na maimumungkahi ko, pero siyempre pag makalaam pa ako ng iba, ilalagay ko yun dito.

Kung gusto mo mabasa ang personal na kuwento ko tungkol sa dice, basahin mo dito: astig!

Sunday, November 23, 2014

KURIPOT GAMER: FREE Games for the Kuripot and Walang Tiwala sa Bureau of Customs

Para sa laro na imahinasyon, lapis, at papel lang kailangan, may kamahalan ang mga rulebooks ng mg TRPGs (2500PHP para sa Player's Handbook ng Dungeons & Dragons 5e?! Mabubuhay na ako niyan ng dalawang linggo eh). Wag ka na rin umasa pa sa Bureau of Customs. At bilang natural na kuripot (Kuripot is a way of life), siyempre di naman ako papapigil dahil lang dun.

Naghanap-hanap ako ng mga libreng RPG, naisip ko sa larong ito malamang sa hindi ay may mga taong gusto lang talaga ang intellektwal at personal na catharsis (Google mo na lang) na dala ng TRPGs- walang perang kasama. At oonga! Sandamukal pala ang libreng TRPG. Hindi kailangan gumastos ng mahal para lang makapaglaro gamit ang imahinasyon. Marami pa sa kanila d6 lang ang kailangan. Heto ang mga nakita ko sa aking deep-web adventures, tandaan na lahat ng ito ay libre


1. Dungeonslayers
- katulad ng mga sinaunang Dungeons & Dragons na mas may focus sa 'Dungeon Crawling' (Kasi nga naman masarap maligaw sa isang madilim, masikip at mabahong lugar na may mga nilalalang na kaya kang patayin). Marami at maganda ang mga laman nito; medyo kumplikado matutunan kung hindi ka pa sanay sa hardcore na abbreviations (Ano ang THAC0?). Pero wag mag-alala, hindi ito ganun kahirap matutunan, wag lang matakot sa mga terms at jargons. Magaan at hindi masyado kumplikado kung ikukumpara sa Pathfinder o Dungeons & Dragons 3rd, 3.5, at 4th Edition (May naglalaro pa ba ng 4e?).
At bago ko makalimutan: d20 lang kailangan sa larong to. DIBA! Sabi sayo masaya kahit d20 lang ang meron ka eh. Isang d20 okay na, pero mas maganda kung lahat ng players meron.


2. Heroes Against Darkness
- sa 231 pages niya, napabigat na ng libreng RPG na ito. Ang HAD naman ay parang makabagong Dungeons & Dragons, mas madali matutunan ang mga rules (Dahil wala masyadong addition, pataasan lang ng total). Maganda ito kung baguhan ka at gusto mo ng laro na SOBRANG DAMI ang mga laman (pero libre) niya na hindi ka mauubusan ng mga pwedeng idagdag sa laro mo. Maganda rin ito sa mga baguhang Game Masters dahil sa mga guide charts para sa mga posibleng mangyari sa laro. Kailangan mo ng polyhedral set para dito, pero kahit isang set lang OK na.

3. Tombs & Terrors
- kakatuwa ang TT (hahahihihihehehe. Ahem. Mature na ako), napakasimple lang ng Core Mechanic niya (Na ituturo agad sa first page. Odiba!), roll d20, idagdag (o ibawas) ang mga modifiers mo (kung gwapo character mo +2 Charisma, kung may halitosis siya -4 Charisma) at ipagdasal sa mga Anito na mas mataas ang makuha mo kay sa sa Target. Tipid din ang monster system dito, derecho at hindi nakakalito. Sapat na ang laman niya para makapaglaro ka, at kailangan mo ng set ng polyhedral para dito.



4. Warrior, Rogue & Mage
- Wooohooo. Warrior, Rogue & Mage o WRM for short. Kung natuwa ka sa Skyrim matutuwa ka dito: walang Class o Job, nakadepende sa tatlong attributes (Warrior kung a la FPJ's Panday ka, Rogue kung gusto mo na parang Snatcher sa Tondo, o Mage kung Ernie Baron ang trip mo) ang kakayahan ng character mo kung kaya't pwede ka magkaroon ng rogue na pwede mag-magic. Simpleng-simple (napaka simple actually) ang rules, hindi ka mahihirapan matutunan. Marami itong supplements na pwede mo idagdag kung gusto mong pa-bonggahin pa lalo laro niyo. Ang pinaka-astig na parte ng WRM? d6 lang kailangan mo. YAAAY!





5. Azamar the RPG
- d6 lang ang kailangan sa larong ito, at parang Dungeons & Dragons din. Di ko pa nasusubukan ito, pero dahil d6 lang naman kailangan niya, sinama ko na rin dito.







6. Fate Core & Fate Accelerated





-sinuggest ni Marc Reyes sa akin ang Fate nung nagreklamo ako sa Facebook kung bakit ang mahal ng mga game systems. Para sa isang libreng game system, napaka-pulido at propesyonal ng presentasyon ng Fate. Kailangan mo ng special na d6 para dito, pero okay na rin naman ang 4d6 na normal.
Walang setting ang Fate, ikaw bahala kung saan mo gusto gamitin ito. Gusto mo i-roleplay ang Noli at El Fili (Para matupad ang Elibarra yaoi fantasy mo?! BAKIT?), edi sige! Maganda ito dahil hindi parang video game sa papel ang dating, kundi story telling.

7. d12 RPG

- NAPAKASIMPLE ng core mechanic ng d12, at simple din ang character creation. Ilang pahina lang ang player's guide, pero hindi ibig sabihin nun hindi na nakakatuwa ang larong ito. At saka, kung wala kang d12, pwede kayong gumamit ng 2d6. Mas mapupunta sa medium-range ang rolls mo pero oks na rin. Asteeeg!

8. d6 RPG
 - sa 3 setting (Fantasy, Adventure, Scifi) at maraming supplements, magandang subukan ang d6 system. At halata naman sa pangalan niya na d6 lang kailangan. Medyo nakakalito lang sa simula pero pag maintindihan mo na, tuloy tuloy na ang saya.
Kung ito ang system na gusto mo subukan, magandang marami kang d6- magandang marami kang d6 kahit ano mangyari. D6! DDDD66666! Mabubuhay ka sa d6 lang. Seryoso



9. Gods of Gondwane
- ang GoG ay gawa ng isang Noypi, kung may paki ka sa Filipino Pride. Hindi ito ang tipikal na fantasy mo; ikaw ay nasa Jurassic era (may dinosaurs! Asteeeg! Pwede ka sumakay ng dinosaur! Mas asteeeeeg!) at maaari mong lakbayin at bisitahin ang iba-ibang kakatuwang lugar sa Gondwane. Paalala: hindi ito field trip kung kaya't asahang hahabulin ka ng kakaibang mga halimaw, mga mutants, neanderthals at iba pa.






10. Rewired
- naka-base ang larong ito sa WRM (Warrior, Rogue & Mage) kung kaya't d6 lang ang kailangan at madali lang din matutunan. Kung cyberpnuk naman ang trip mo, magandang tignan ito. Naka-layout ito na parang booklet kung kaya pwede mo i-print at basahin lang sa kama mo (hahahehehe. Gusto ko yung feeling ng physical copy eh). Madali matutunan para sa baguhan, madali patakbuhin para sa bagong GM: subukan ang Rewired kung mala-William Gibson o FF7 trip mo (at least yung Midgar)

11. Resolute, Adventurer & Genius
- kung Indiana Jones trip mo, o Armor of God na adventure ang gusto mo magandang tignan ang RAG. Sa WRM pa rin nakabasa ang larong ito kung kaya't wag matakot! D666666!!!!


12. Badass
- gawa ng isa pang Filipino gamer, ang Badass ay ang TRPG mo kung gusto mo ng action film na hindi sinusunod ang Laws of Physics, may mga astig na one-liner at 3 minute training montages. Simple lang ang rules at nakakatuwa laruin. Dapat ASTIG! Ang title eh. Haha.

Sa ngayon heto muna ang mga larong aking ilalagay, sa bawat araw na lumilipas ay may mga libreng TRPG ginagawa kung kaya't madagdagan at madagdagan ang mga libreng RPG kung kaya't magdadagdag din ako! Hardcore! Hanggang sa susunod!

Pahabol:
Pwede rin naman kayo na lang ang maghanp. Magandang magsimula sa listahan ng mga libreng RPG na ito: Eric Garrison's The Compendium of Free Role Playing Games

Sunday, November 16, 2014

KURIPOT GAMER: Mga Kailangang Armas sa TRPG

Interesado ka ba maglaro ng Dungeons and Dragons (o iba pang TRPG) pero hindi mo alam ang mga kailangan para makapaglaro? Wag magalala! Susolusyunan natin yan!

1. System
Andaming game systems! Aaargh!
Bago mo isipin na kailangan mo ng computer para sa 'game system', tandaan na ang game system ng mg TRPGs ay ang mga rules na nagpapatakbo ng laro. Sobrang dami ang game systems na available, yung iba ay specific sa isang genre (dahil may horror, scifi, cyberpunk at lesbian TRPG games din- hindi lang fantasy) at ang iba naman ay 'generic' o puwede sa iba ibang genre.
Ika nga ni Tobie Abad ng Tagsessions: 'Hindi lang D&D ang TRPG sa mundo'. Marami pang ibang system at maraming system na LIBRE LANG! Gumawa ako ng listahan ng mga TRPG system na madali matutunan, d6 o isang set lang ng polyhedrals ang kailangan. Abangan ang listahan sa susunod na linggo! Asteeeg!

Pero kung trip mo talaga ang D&D, tignan mo ito. Libre lang ang Basic Rules ng D&D 5th edition, kakaunti lang ang nakalagay dito pero sapat na para gumawa ng campaign (imagination lang naman kailangan eh. Pati oras)

Added (11/24/2014 7:35AM): Heeeto na! Ang mahiwagang listahan!


2. Dice
Gumawa ako ng special post para dito! Yay! Isa ito sa pinakamahirap hagilapin kung kaya't nagsadya ako ng isang post para dito. Abangan! Hardcore hintayan!

(Added 11/27/14 8:27AM) Heeeeto na! And hardcore dice hunting guide!
Aangat ang Geekness Level mo pag may ganito ka.
3. Minis at Maps (Hindi Importanteng importante pero pwede na rin)

Hindi mo kailangan ng miniatures o maps(pero astig naman sila) para makapaglaro ng TRPGs. Maraming rule system na hindi required ang minis, at hindi rin naman ito malaking kawalan. Peeero dahil nga ang motto natin dito eh: 'mapaparaanan at makukuriputan yan!', heto ang Free Paper Minis mula sa Drivethrurpg.com (pwede mo ring bisitahin ang website na yan para sa mga free rpg. I-click mo lang ang 'free' sa price box sa kaliwa)

Matagal kong pinagiipunan ang D&D Boardgames kung kaya't halos di ko
sila gamitin sa takot na masira o mawala ang marami at maliliit na piraso nito
Paper Minis: I-print mo ito sa card stock. 20PHP lang ang 10 piraso ng matigas tigas na stock paper sa National Bookstore. O pwede mo rin i-print sa normal na papel at idikit sa folder o illustration board diba. Hardcore utakan lang yan!

Maps & Cut-out Buildings: Kung gusto mo ng astig na playing field na kumpleto ng bahay at kung ano-ano pa, bisitahin mo ito. Pag sa paper buildings mas magandang sa card stock ka magprint.





Iba pang kailangan:

Lapis at papel - kung hindi mo alam kung saan makakabili ng lapis at papel... hindi ko rin alam. Huwag mo ako tanungin!

Mga kalaro - medyo mahihirapan ka dito kung ikaw ay isang teenage introvert na wala masyado kaibigan at mahiyain pa. Huwag mag alinlangan bisitahin ang mga FB page na ito, maraming magagawa ang kapal ng mukha (Hindi lahat maganda):

Philippine Tabletop RPG
Dungeons and Dragons Philippines
Dungeons and Dragons Adventurer's League Philippines
Makati BnB

Lugar na paglalaruan - kailangan mo ng isang lugar na pwede kayong magingay ng mga kasama mo ng apat na oras ng walang pipigil sa inyo. May mga gaming cafes na sa Pilipinas pero medyo may kamahalan ang presyo kung kaya subukan na lang sa mga parke (para feel na feel niyo ang 'wilderness exploration'), sa bahay nga kaibigan (mag paalam sa magulang) o kung saang lugar na tahimik at wala kayong maiistorbo.

At iyan ang mga kakailanganin para makapagsimula ka sa masayang mundo ng TRPGs! Happiness!

Tuesday, November 11, 2014

KURIPOT GAMER: Nakatapak ka na ba ng d4? Kuripot Gamer's Dice Story

Whooo! Ang isa sa pinakamahirap na pagsubok sa buhay ng Kuripot Gamer: paghahanap ng dice (bukod pa sa pagpili ng system. Ahehehe :| )
Halata naman sa ngiti ko diba?!

Mga Kuwento ng mga Dice:

Unang d20. Yabang ko nun, mantakin mo:
perstaym makakita ng mga tropa ko nito!

Ang una kong polyhedral ay ang d20 na kasama sa Castle Ravenloft. Binigyan ako ng tito ko ng pamasko (sa summer? Summer niya binigay eh), tatlong libo. Nakita ko yung ad sa sulit.com (na olx.com na ngayon) mga isang buwan bago ako magkapera. Halos ipagdasal ko sa mga anito na sana hindi pa bilhin, at sinuwerte nga ako, nabili ko. Kasama nung mga minis at maps ay isang itima na d20, ang aking unang d20. Yay!







Lagi ko nakakalimutan kung saan
niya nabili to


Pagkatapos nun, binigyan ako ng girlfriend ko ng d4 at d8 na granite, nabili niya yata sa isang Magic the Gathering shop.







Sa Makati ko to nabili. Di alam
 nung tindera kung ano ang d20

Tapos, bumili naman ako ng 2d20 sa isa pang Magic the Gathering shop (o Neutral Grounds ba yun? I forget).












Sino magaakala na may d12s ang
National Bookstore? At bakit meron? Haha

Tambay ako sa National Bookstore, nagbabasa ng mga librong di ko kaya bilhin. At may napansin ako: mahiwagang d12! Ang liit! Ang dami! Syempre di ko na pinalagpas. 30PHP lang, nagka 12mm 10d12 pa ako. Yay!









Kakulay niya si Drizzt! Or at least
yung theme color ni Drizzt.

Eto naman nakuha ko sa Dungeons & Dragons Boardgame: Legend of Drizzt. Tagal ko din pinagipunan yun!













Feeling mayaman
Habang tumitingin sa mga comics sa isang comic shop (na may, guess what? Magic the Gathering shop din) sa Megamall, may nakita akong Percentile Dice. At kahit 150PHP nila binebenta, pinatos ko pa rin (kasi call center agent ako nun. Feeling ko ang yaman ko. Hahahehehe)








Alam mo yung Monami na kendi?

d20 with glitters!
Tapos nandito na tayo. Sa pinakaunang Polyhedral Set (na worth 350PHP. Whooo! Mahal!) ko na binili ko sa Vira Mall sa San Juan (kasi sa San Juan lang din naman ako nagtratrabaho). Napakasaya! Bumili na rin ako ng isa pang d20 kasi masaya pag marami kang d20.








Aaaaat dahil nag-GM ako para sa Hari Ragat game kasama si Marc sa Makati B&B, binigyan niya ako ng isang set ng blue polyhedrals! YUSSS! Eto na ang favorite set ko kasi yung nabili ko sa Neutral Grounds eh Gold on Red & White ang color scheme, di ko mabasa ang numbers (hardcore diba, may dyscalculia na nga ako, eh myopic pa mata ko! Waw!)
Lumilipad ako sa kasiyahan. BLUE! AT NABABASA KO ANG NAKALAGAY!

Yan ang aking dice story aaat syempre, sana makanahap ka rin ng dice (Basahin ang ito). Yay!

Pahabol:
Sandamakmak na d6 dahil kailangan mo ng marami nito

KURIPOT GAMER: Karanasan sa Mundong Kakaiba at Kakatuwa

Masaya makipagkuwentuhan, masarap gumawa ng mga kuwento at 'experiences' kasama ang mga kaibigan mo. At masarap din lumipad sa ibang mundo (Say no to drugs kids) at tuklasin ang mga bagay na kailan man ay hindi dumapo sa ating isipan. Mula sa mga alamat na kinukuwento ng ating mga lolo at lola, hanggang sa Final Fantasy at kung ano pang computer RPG, at sa mga kuwentong ito ay nagkakaroon tayo ng malayong karanasan. Malayong karanasan na maari nating ikuwento sa ating mga kaibigan.

Sa panahon ngayon, naging paraan na ng mga kabataan ng gumawa ng 'experiences' sa pamamgitan ng mga computer games tulad DotA, Final Fantasy, Pokemon, LoL, etc (o kung ano mang nilalaro niyo). Papasok ka ng paaralan at maririnig mo ang maingay na kuwentuhan kung anong nangyari sa laro, sino na-first blood, sino maraming na-push at kung ano ano pa.

Hindi lang ito ang paraan para makabuo ng kakaibang karanasan, ang sinaunang paraan ay hindi dapat kalimutan: Tabletop Roleplaying Games.

Sa panahong lipas na ay walang computer games, walang Final Fantasy, walang Warcraft. Kailangan magisip upang mabusog ang pagkahilig sa maka-ibang mundong panigip at pantasya. Mula sa iba-ibang mitolohiya at mga nobela ni JRR Tolkien, Jack Vance, atbp (at sa mga rules mula sa wargaming) ay nanggaling ang Dungeons & Dragons, ang pinakaunang TRPG, at ang pinakasikat ngayon.


D&D session

Gamit lamang ang lapis at papel (hindi pa kasama dating ang mga kakaibang dice at astig na minis), gumawa ng personal na mundo ang mga bagot na bagot na si Gary Gygax at Dave Arneson, at mula sa kasagutan ng pagkabagot nila ay nagmula ang pundasyon ng mga RPGs sa buong mundo.

ANO ANG TRPGs (Tabletop Roleplaying Games)?

Toilet paper para sa luha ng namatay na PC o sa pagka-lito ng GM
Kasama ang mga kaibigan mo, gagawa kayo ng kwentong ginaganap sa mundong di tulad ng atin, kung saan maaring may lumilipad na kotse o salamangkang nakamamaty. May isang gaganap na Game Master, wala siyang karakter at siya ang magiging 'computer' o engine ng inyong laro. Siya ang kalaban na inyong papatayin (o aakitin), ang gubat na inyong tatahakin at ang NPC na inyong iinisin. Siya ang magdedesisyon ng mga bagay-bagay sa laro, kung kaya't dapat patas ang inyong GM (O di kaya'y wag kayo kumuha ng GM na hindi mapagkakatiwalaan. HA!). Ang mga natitirang manlalaro ay ang mga Players, at sila ang may mga Player Characters o mga karakter na ginagampanan sa laro. Malaya silang gumawa ng karakter na naayon sa kagustuhan nila, hangga't na sa saklaw ng laro ang kanilang karakter (huwag inisin ang GM at i-pilit ang iyong Sci Fi hero sa isang High Fantasy setting. Pero bakit hindi nga naman diba?).

Kung dragon ka na at may matitigas na scales,
ba't kailangan mo pa mag-armor?
Maaari mong buhayin ang mga tagong pangarap mo sa TRPGs. Gusto mo maging astig na Metal-Armored DRAGON knight sa mythic medieval Europe? Pwedeng pwede yan!

di ko pa nalalaro to. From CJ Carella's Witchcraft.
Libre lang yun, i-Google mo na lang











      O di kaya'y gusto mo maging mala-Buffy the Vampire Slayer?

At salamat kay Dariel mula sa Hari Ragat Games, maari mo na ring buhayin ang mga sinaunang bayaning balot ng tattoo at nakasuot ng bahag!
Dahil walang kasing astig mamugot
ng ulo habang nakabahag! Yeeey!





Pwede ring maging Jedi sa galaxy far far away!
Pwede ring maging si Chewbacca na lang. O si Jarjar



Maaari kang maglakbay sa malalayong lugar na sa imahinasyon lamang matatagpuan, makipag kaibigan sa mga kakaiba at kakatuwang nilalang: at lahat ng ito ay sa isipin MO magaganap kung kaya't ikaw ang magbibigay kulay sa mundo nila.

Malaya kang maglakbay at maging kung anong gusto mo sa mundo ng TRPGs, kung kaya't maghanap na ng Party at simulan ang paglalakbay!

Sana maging maganda ang inyong mga biyahe! Asteeeg!
Abangan ang susunod na blog para malaman kung paano magsisimula (at makakatipid) sa asteeeg na mundo ng TRPGs!