Friday, December 12, 2014

Bane

Love and affection
a dire concoction
when it is spit and gargled
when love feeds hate and the self becomes untempered
let it be known-let it be remembered
attempts feeble and weak
serenity I seek
hate me not at that point
you are my bane, you I appoint

Thursday, December 11, 2014

KURIPOT GAMER: Hardbound Books for the Hardcore Kuripot

Yay! Sa last article, pinagusapan natin ang TRPG booklets, ngayon paguusapan naman natin ang HARDBOUND BOOKS! HARDCORE! HOSAM! HASTIG! HANLUPET!

Sa huling article, ini-rekomenda kong hanggang 80 pages lang ang i-print. Kung lagpas 80 pages na 
iyan, pwede mong i-pa Hardbound Yan! Hardbound dahil wala akong tiwala sa ringbind, kadalasan flimsy yan (kasi ring lang ang suport, pero pag booklet kasi, kumakapal siya dahil folded in half)- kung supplements at add-ons lang pwede siguro ang ringbind, pero focus tayo sa walang kasing hardcore na hardbound.

MAGKANETCHINGS?

Kala mo dissertation! Hindeee! TRPG book yan!
Magkano? PHP1.50 para sa isang page, kung back to back PHP3 para sa isang page o dahon. So kuhain ang pahinang iprirprint mo at multiply by 1.50. Ang Tombs & Terrors ay 106 pages, so
106 x 1.50 = 159. PHP159 para sa print, at dahil depende sa size ng print ang presyo ng binding PHP45 lang ang binayaran ko (Kasi a lagpas lang ng 50 ang total leaves eh). Sooo... PHP159 + PHP45 = PHP204 lang ang ginastos ko. HARDCORE!

Maraming meant-to-be-printed PDFs na 400 pages (Ang Fantasy Craft 400 pages eh, pati daw Dungeon World pati iba pa), so PHP600 for print, around PHP100 for boobkind. PHP700 para sa isang hardbound TRPG book! Yay!

Paano Kung Maraming Picture ang Ipri-print ko?
Sabi ni Ate oks lang daw basta black & white. Powder print to, so tipid sa resources PERO malinaw pa rin. As you can see below.
Kasing linaw ng araw, wag lang mabasa ng tubig. Ahehehe.

Saan Naman Ako Pwede Magpaprint?
Kung may college o university sa lugar mo, malamang sa hindi may print shop diyan. Dun! Dun ka magpaprint! Sa UP Diliman ako madalas nagpaprint, pero mura lang daw sa Recto kaya pwede niyo rin subukan dun.
May half-elf, pero walang half-dwarf,
o half-elf, half-dwarf ng ibang species. Bakit?
Ito ang paraan para maikutan ang kadalasang problema ng mga TRPG'er sa Pilipinas: walang nagbebenta ng TRPG material. Sana, sa nalalapit na hinaharap magbabago ito. Abangan ang susunod na article! Pocketmods! Yay!


Public domain arts yay!
I ignore this part of the book. I usually say; 'di ka makagalaw'
Yun lang. hahahehe :/
Feeling ko meron talaga akong legit na RPG book.



KURIPOT GAMER: Booklets! Pwede panghampas ng ipis at patungan ng kape


Joke lang yun title ha, wag mo patungan ng kape ang booklet mo (unless dada-art para sayo ang coffee stain-rings) at wag mo ihampas sa ipis (don't sue me PETA please don't sue me).
Akalain mo, wala pang PHP300 lahat yan. Kuripot to the highest level.
Libreng John Wick! Maging si James Bond ng NBI
Hahahehe. Malaki tiyan na James Bond. ahehehe
Sa mundo ng Isang Libong Unggoy at Isang Libong Makinilya at sa DriveThruRPG, maraming 8-24 page na FREE RPG! WHOO! May mga gawa si Jay ng Philgamer sa 1km1kt na kakaiba (at ka-booklet booklet kasi maiksi lang), kaya pag wala kayong magawa ng mga kasma mo, laruin niyo.

Kung mapapansin mo, sa bawat kumpol kumpol ng unibersidad at kolehiyo ay may mga print at xerox (Dahil walang Pilipino gumagamit ng 'photocopy', may brand loyalty tayo eh. Haha) shop na nakakalat (tambay ako sa mga 'to, nakikisinghot ng xerox powder. Nagbagong buhay na po ako). Kadalasan, may mga bookbinding services din. Mabenta tong mga shop na to sa mga gumagawa thesis na hindi matapos-tapos, mga ideyang di ma-approve approve. Pero dahil walang masyadong RPG books sa bansa, magagamit mo din tong mga 'to para magkaroon ng improv Gaming Store! Yaaay!

Magkano naman?
So... technically may John Wick book na ako. Yay!
Ang isang page ng black print at naglalaro mula sa PHP1-PHP1.50. May option na mapa-booklet print (kung dehins alam ng nagpriprint, nasa print options yun).

Sa UP Diliman shopping center ako nagpriprint kadalasan. Hindi isang page ng PDF ang babayaran mo, yung print sa side ng bond paper ang babayaran mo. PHP1.50 ang isang page doon, so PHP3 kung back to back. Dahil dalawang page ang malalagay mo sa isang side ng bondpaper, magiging ganito ang computation (WHOOO! MATH!)

12 Pages is 3 Leaves. (4 page on each Leaf)
1 Leaf contains 4 pages (2 pages on each side, 4 pages total) = (Dahil PHP1.50, per page, PHP1.50x2) PHP3. PHP3 x 3 = PHP9

(Grabe, sa sobrang pagtitipid ko ginawa ko pa ito)

Sa 9 pesos lang may TRPG book ka na! Kadalsan mga rules-lite, alternative, at storytelling system ang mga ganito libro kaya okay na okay kung trip-trip mo lang maglaro.

32 Pages to lahat, 8 leaves. Madali pa rin itupi
Eh Paano Naman Yung Kapal ng Papel?

Kung nagaalala ka kung kaya ba i-booklet ang 50+ pages, tandaan na sa bawat papel (o dahon) ay may 4 pages. Kaya para magkaroon ng ideya kung gaano ka-kapal ang booklet mo, i-divide by 4 mo ang total ng pages ng ipri-print mo at gamitin ang tantsameter para makuha ang kapal. Hahahehe.

SARPS! Asteeeg!
Binooklet ko ang SARPS (dahil Old School-style roll under your Attribute siya. Hehehe. Pati d6s lang kailangan. D6s! Barebones lang ang system, pero may onting flesh. Malalaro agad ng walang preparasyon. Bisitahin mo 'to) at 32 pages lang siya lahat. Hindi ganoon ka-kapal, sakto lang. Kung tutuusin pwede pa ako magsaksak ng ilan pang pahina. Haha.

Suggestion ko: hanggang 80 pages lang ang i-print. 20 Leaves yun.

Note 12/9/14: Weird, may bayad na ang SARPS sa DriveThruRPG, dati libre eh. Well, i-download mo na lang sa official googledocs site

INSTANT RPG BOOK

Sa Long Bond Paper ko prinint to. Ewan ko kung bakit long
pero OK naman kinalabasan
Astig diba! Dahil nga dito naging RPG shop ko na ang mga print shop sa UP Diliman eh. Haha. Kadalasan, ang mga indie-rpgs na nasa bundles o ZIP files and download ay may kasamang 'booklet' version. Kung may printer ka, pwedeng ikaw na lang din naman magprint. May booklet option sa Adobe printer :) (Haba haba ng blog ko pwede naman palang ikaw na lang magprint. Haha)

'Pag na-print mo na yung mismong booklet, pwede mong i-print yung cover lang sa card stock paper at gawing cover yun. Para matigas-tigas naman yung booklet mo. Pero depende sayo iyon. Ganun ang ginawa ko sa SARPS at sa ReWired. Madali pa ring itupi, hindi naman ganoon ka-kapal ang cardstock eh. Kung iniisip mo kung saan makakabili ng cardstock, meron sa National Bookstore sa halagang PHP20 para sa 10 piraso. Yay!

TANDAAN:
Interestante ang konsepto ng Toypocalypse. Libre pa! 
May mga PDFs na 'not meant to be printed' talaga. Lalo na kung may book copy talaga ang yun. Depende sa moralidad mo iyan: handa ka bang makipagsapalaran sa Bureau of Customs para maka-order overseas (sabihin nating may pera ka), o mas pipiliin mong i-print na lang ang PDF ng walang pakundangan sa walang kamuwang-muwang na author.

Abangan ang susunod na post: HARDBOUND BOOKS FOR THE HARDCORE KURIPOT. Asteeeg!

Hardcore diba! 3rd World Gaming to the bones talaga. At dahil dito na nagtatapos ang article pero may mga pictures pa akong gustong ipagyabang, check these out:

d6 na Cyberpunk. Hardcore to,
sana lang may gumawa ng Manila setting.
My girlfriend actually bothers to teach me photography  :|
Perspective naks!



Sunday, December 7, 2014

KURIPOT GAMER: Sa Pagkukuripot at Pag-gastos

SA PAGKUKURIPOT

Kuripot ako. Halata naman. Hindi ako kumakain sa mga fast food (Joke lang, bihira ako kumain sa fast food). Di ako mahilig magdamit ng bongga (Sa long hair ko, bongga by default na rin naman ako eh). Lagi ako sa turo turo kumakain- it's an acquired taste for the refined and natural for the rugged. Kuripot ako dahil: 1) Di ako mayaman (mababa siguro na roll kong Wealth nung chargen. Ahehe), 2) Maliit lang sahod ko- at marami akong ginagastusan at 3) May kamahalan ang mga TRPG materials.

Mas gusto ko puro 100PHP bills pera ko para feeling mayaman
Ginawa ko ang Kuripot Gamer blog para matulungan ang iba pang mga nagtitipid na gamer, mga gustong maglaro pero nalulula sa mahal ng mga presyo, o dun sa mga ayaw maginvest na malaking pera kasi wala silang malaking pera.

Tandaan: Hindi ko sinasabing mamirata ka ng mga RPG materials. Sa dinami-dami ng Free RPGs na well-supported hindi na kailangan yun.

Ngayon nasa topic tayo ng Free RPGs, karamihan ng mga nili-link kong RPG ay 'Pay-What-You-Want'. Ibig sabihin nito ay pwede ka magbayad ng kahit magkano, pwedeng hindi ka magbayad talaga. Naabuso ko na ata ang PWYW option sa Drivethrurpg at nung nakita ko ang mataas ng kalidad ng maraming RPG, naisip ko na sa oras at effort na binigay ng mga gumawa nito, karapat dapat lang na magbayad ako ng kahit maliit na halaga.

Hindi sila nanglilimos. Wala akong pera ngayon para ibigay sa kanila, pero sa oras na magkaroon ako, hindi ako magdadalawang isip magpasalamat.

Kung wala ka talagang maibabayad, ang pagpapalaganap lang ng kanilang gawa ay maganda rin bayad.

SA PAG-GASTOS

Sa sobrang tuwa ko, hindi ko pa tinatapon
 yung box. Gagawin kong shelf. Haha
Meron akong Castle Ravenlot at Legend of Drizzt boardgames. Mahal sila parehas. Yung Castle Ravenloft nabili ko gamit ng pamaskong binigay sa akin nung summer. Legend of Drizzt, nabili ko nung feeling mayaman na call center agent ako. Ang presyo nila ay naglalaro sa PHP2600-PHP2900.

Ngayon, alam kong hindi lahat ay makakabili ng ganito kamahal na gamit. PERO naniniwala ako na lahat ay makakapagipon ng ganito kalaking pera. Maaari akong magbigay ng tipikal na advice tulad ng; magipon ng bente araw araw, o magalay ng dugo ng kalaban kay Lumawig, o mangholdap ng namamalimos na bulag (joke lang, wag ka mangholdap ng bulag. Yung malakas-lakas puwede), atbp. Pero ang pagbili ng mga ganitong gamit ay maaaring sumahin sa isang pangungusap: kung gusto may paraan. Alam ko, hindi masyadong nakakatulong pero nasa sayo kasi kung makakabili ka talaga o hindi.

Ang Kuripot Gamer ay nandito para tulungan kang i-maximize ang magagawa mo :) Huwag magalala.

Thursday, December 4, 2014

In a Fertile Land but Plants No Seeds

The Philippines is a country rich with culture- we're a collection of tribes with different cultures, beliefs, and physical appearance. As a non-homogeneous country, we enjoy multiculturalism. And with multiculturalism is a clash of epics, stories, beliefs, and a dazzling array of material culture from an assortment of origins. It's not that hard to find something that isn't Filipino in the Philippines. We're that varied.

Cut to the youth of today: no one really knows much about our culture & history. Aspiring writers pepper classrooms- but most of them write in a setting foreign and influenced by Japan or other countries. Is it the familiarity with their own culture that's driving them away? I've no idea really, and I'll rest it at that. The TRPG scene in the Philippines is no different, but on a micro-scale. We're few and far in between, and with a smaller amount of game designer in our midst, we don't get any home-based games.

The lack of a Filipino setting in TRPG sort of irks me because:

1. I'm a bit hesitant to go through a familiarization phase with settings- of course I read setting-centered lore but read up: A reason why I have a bias for universal systems is that I can just use it for anything that hits me and I don't need to read anything else beforehand.

If we have a game that's set in a largely familiar place; with asuangs & tikbalangs, with kantos & conyos, in ghettos & gigantic malls, we can just go straight to the fun. I've no beef against other settings though: it's fun being in a world that has nothing to do with yours (and that is what I'm after, being an escapist) but I also want to pander and play with the world I live in.

2. As mentioned above, we have a pretty cool setting to play in. As Neil Gaiman said; "This is incredibly fertile ground. Why aren’t you using it?"

3. The multiculturalism of the country becomes more and more Western-centric. Yes, sorry if you don't agree and would mindlessly hate and vehemently curse me, but yes it is. Sit down and look around, what do people want, where do people want to go.

This is about to change when Hari Ragat gets released, but one game isn't enough. More games, more options, more resources- that's what we need. And while progress in the Philippines is rather slow, at least there's progress. I pray to the anitos of better mornings.

P.S.
Even though no one will probably play it, I'll make games that I want to play- and they will be definitely be set in an oh-so-lovable place that channels this country.

Monday, December 1, 2014

KURIPOT GAMER: Inspirasyon Mula Magic Temple

Kung nanunuod (o nakakapanood, o napilitan manuod, o pinilit manuod) ng mga pelikulang Pinoy tuwing tanghali, malamng sa hindi napanuod mo na ang Magic Temple. Yeeep. Yung Magic Temple na 'to.
Kahit gano ka-PNY ang karamihan ng Pinoy
 Fantasy films, pag bata ka lahat maganda.
Tsaka Peque Gallaga film to! 
Bukod sa lumaking napapaligiran ng librong tungkol sa kasaysayan, literatura at alamat (kasi parehas guro ang nanay at tatay ko) gumanap ng importanteng papel ang mga Filipino Fantasy films para mapunta ako sa mahiwagang mundo ng High Fantasy. Natutuwa ako sa konsepto ng kakaibang mundo na hindi 'normal' at walang kinalaman sa nakakabagot na buhay natin.
This scene still creeps me.
Isipin mo ang isang batang umaapaw ang interes sa kakaiba at kakatuwa, kuhain ang naturang bata at itapat sa walang kasing lupit at walang kasing astig na Magic Temple, THE Filipino Fantasy Film. Isang taong gulang pa lang ako nung nilabas ang Magic Temple kaya sa replays tuwing tanghali sa ABSCBN ko na 'to napanuod. Ayos lang, wala ako pake, pag 3 taong gulang ka, wala masyado kalaro, tuwang tuwa sa konsepto ng ibang mundo, perpektong perpekto ang Magic Kingdom.

Note on quality sa mga 'cineast': Aminin natin, medyo PNY (Pwede na yan) ang karamihan ng Filipino Films. Pero Peque Gallaga film 'to, at medyo naaangat nun ang kalidad ng pelikulang to.

Isa pa pala (bago tayo dumating sa pinakapunto ko), hindi ko alam to nung bata pa ako pero naka-base daw sa Igorot (si Jubal), Bisaya (si Sambag), at Mindanao (si Omar) ang mga bida. Walang citation pero meeedyo may sense naman. So yay!

Dati pa man, nawi-wirduhan ako sa 'forehead protector' ni Jubal
Ngayong namamalagi ako sa mundo ng Tabletop Roleplaying Games, nakakaramdam ako ng kagustuhan maglaro sa mundo ng Samadhi (or at least yung katulad niya). Sa isang mundo na parang probinsya, hindi lumang luma na walang mataas na klase ng teknolohiya, pero yung sakto lang na gumagamit pa rin ng espada at palakol ang mga tao. At bilang natural na nakakatuwa ang mga social gatherings ng mga Pinoy, ayus din na maging comedy RPG 'to.

Naiintindihan ko na 1) Hindi na alam ng mga bata ngayon kung ano ang Magic Temple at 2) Hindi alam ng mga bata ngayon kung ang TRPG'ing. Pero hindi sapat na rason iyon para sa 'kin. Ha! Para sa masayang alalala at kakaibang karanasan, nagdesisyon akong gumawa ng TRPG na tulad ng Magic Temple. Hindi siya gaganapin sa Samadhi, pero gaganapin ito sa mundong katulad ng Pilipinas- pero mas marami at mas brutal ang mga mitolohikal na nilalang.

Ang layunin ng TRPG na ito ay gumawa ng nakakatuwang pareha ng Pilipinas: magkahawig na mga paniniwala at pamahiin, mga nilalang at mahiwagang lugar, armas at pakikipaglaban, mga agimat at anting-anting, Jollibee at Andoks atbp. Malamang wala (o onting-onti lang) ang maglalaro nito pero ang importante ay magawa siya. Hindi ito magiging napakalaking TRPG na may 200+ pahina. Ang layunin ko ay makagawa ng simple at rules-lite na TRPG na pwede laruin ng mga batang na-umay na sa DotA o LoL at gustong sumubok ng ibang laro nang hindi nagbabasa ng English at madali maintindihan ang setting- at syempre dapat nakakatawa ang pakiramdam ng laro, ang komedya ay importanteng parte ng larong ito.

KUNG NABABASO MO ITO, INAANYAYAHAN KITANG TULUNGAN AKO. MAGBIGAY KA NG IDEYA AT SUGGESTIONS. MAG COMMENT SA BABA KUNG GUSTO MO IBAHAGI ANG IYONG IDEYA.

Tandaan: Ibang-iba ito sa Hari Ragat. Ang layunin ng Hari Ragat ay makapaglaro sa mundo ng mga epiko ng etnikong Pilipino. Ang layunin ko ay isang comedy, Dungeons & Dragons-inspired Filipino Tropes TRPG.

Thursday, November 27, 2014

The Blue-green House

Life unnerved
and pinnacles destroyed
We traverse on the not-often walked path

Anachronists we are
Born in the wrong time
Our mere existence is a crime

In the house of blue green
We have sex and conversations
And this is simply what it seems

Sunstarer
Now you are hidden

Eclipsed by situations
that has gone out of hand
In-hand actually
But boy of many self overreacts

Years will pass by
But together we will stay
A testament of friendship and love
In this sad, sad day


I'm Going to Die Soon

People always tell me I'm rushing.

I'm 19 years old, college undergradute but working as an English tutor- specializing (bongga diba!) in speaking. I don't look 19. I don't have credentials for my work. I've been an English tutor for half a year now and none of my students know I'm 19. They think I'm in my early 20s (I look the part anyway). Mind you, these are face to face classes so I mask whatever 'childishness' I have (and I have lots of them).

Starting this December, I'll be working 6 days a week, from 7-2:30 every weekdays (with a 6-9PM work on Wednesdays and Fridays), and 7-5PM every Satuday. No, I don't earn big if that's what you're thinking (despite the work hours and 2 jobs). I have better uses for my money (for near-future stuff and people I might leave behind mostly).

And because of my actions, of how I lead my life, of how I talk, how I am: people tell me I'm rushing.

You're too young. Nagmamadali ka ata. At your age, you should still be hanging out. 19? I was out chilling with my friends when I was 19.

And yes, I am rushing. I know. I don't feel 19, so you can drop the age thing. Never belonged in my age group anyway. But yes, I am rushing.

No, I will not slow down.

I am dying.

I am in the threat of death at every passing second.

So are you.

No, I don't have a terminal disease
No, no one is after me
No, I'm not going to kill myself

It's just that I feel I'll die soon. I don't want to die soon, I have many things to live for. I have a beautiful girl who loves me. She's a natural 20 in my life of median numbers. At this point, I want to live long if she's going to be with me. But I feel I'm dying.

The threat of death makes me feel alive, it makes others feel alive too. That's why there are daredevils. While I don't claim to be one, I've taken it to the extreme.

I need to do as much as I can before the winds of existence blows away my name on the sand. And this my friends, is the only reason why I'm rushing life.

Be patient like a snake who knows when to strike
Be enduring like a tortoise who knows not to stop

I am patient. I strike when the time is best. The best time is now.

Wednesday, November 26, 2014

KURIPOT GAMER: Dice Dice Beybeh! Orayt stap! Kolaboreyt en lisen!...

Singhutin mo ang amoy ng plastic o marmol (teka, marmol ba to?) na polyhedral dice! Maraming laro na nangangailangan ng special dice, may mga larong d10s lang kailangan, may ibang full polyhedral set, meron din ibang d6s lang at meron din walang dice na kailangan! Astig diba! Pero dahil karamihan ng laro ay kailangan ng espesyal na klase ng dice, magandang may polyhedral set ka pa rin.

Bago tayo lumangoy sa masakit at mabatong mundo ng dice-hunting dito sa Pilipinas, alamin muna natin ang common terms para dito:

d4 = mas masakit kay sa lego
dn = dice Number ng sides ng dice. Kapag d6, yung ang normal na 6-sided die. d4 ay 4-sided die, d8 ay 8-sided die, d10 ay 10-sided die, d12 ay 12-sided die, at d20 ay 20-sided die. Ang Percentile Die ay d10 na imbes 0-9 nakalagay, ay 00-90.

ndn = makikita mo ito sa mga rulebooks, at ibig sabihin lang ng 'n' bago ng dn ay numero ng dice ng kailangan mo. Ang ibig sabihin ng 2d6 ay dalawang d6, 4d4 ay apat na d4, etc. Ang 1d100 ay d10 at percentile dice, para makakuha ng pursyento, sabay mo silang ibato, kuhain ang numero sa percentile (e.x. 60) at numero sa d10 (e.x. 8). Ang d10 ay ang ones at ang percentile ay ang tens (e.x. 68). Odiba! Mamagamit mo na rin natutunan mo sa paaralan! Asteeeg!

May kakaibang hiwaga na bumabalot sa mga polyhedrals. Pag binabato mo lang siya, lagi kang makakauha critical (yun ang pinaka-mataas na numero ng die. E.g. ang pinakamataas na numero ng d8 ay 8, ng d20 ay 20) pero sa laro masaya na pag makakuha ka ng numero na nasa gitna. Bukod sa angking hiwaga, may kakaibang ganda din ang mga polyhedral. Masarap titigan at masarap hawak-hawakan (ano?). Masarap ipagyabang sa mga geek na kaibigan (Akala ko ba geek ka?! Ba't di mo alam ang D&D? Joke lang, huwag ako tularan). Ngunit kasama ng kanyang hiwaga ay ang hiwaga kung paano ito makuha.

Diderechuhin kita:
MAHIRAP MAKAHANAP NG POLYHEDRALS SA PINAS.

Kung d6 lang, madali lang. Maraming magagandang d6 sa National Bookstore.

Pero d4-d20, mahirap. Pero hindi impossible. Eto ang mga listahan kung saan pwede bumili ng polyhedrals:

1. Gaming Library
Man, astig ang Gaming Library! Pagpasok mo pa lang makikita mo yung mga terrains for wargames and tons of boardgames, gaganahan ka na maglaro. Maraming available games dito (duh. Kaya nga Gaming Library eh. Hahaha. Joke), minsan may D&D Board Games pa. Kadalasan may polyhedrals sila, kaya tignan-tignan mo na lang website nila para malaman kung meron (Refer to Port Congestion sa Manila. :| Kainis)


2. Neutral Grounds
Malaki ang tiyansa na nakakita ka na ng Neutral Grounds shop sa mga mall, at halata naman sa dami ng board games sa display nila (kahit may bias sila sa Magic: the Gathering) ang posibilidad na may polyhedrals sila. Yeeep. Meron nga. For 350PHP makukuha mo ang pitong pinaka-gamit na polyhedrals. Meron din silang mga d20s for 50PHP at pinapayo ko na bumili ka ng kahit isa: isang d20 lang okay na para sa maraming TRPG systems (Ako bahala, ieexplain ko kung paano mo gagawin yun ;)




3. Fortress Games
Maraming magagandang dice sa Fortress, at minsan meron din silang mga D&D Boardgames at Rule Books. Bisitahin mo FB page nila for more info.








4. Abubot.ph
- Manila-based online shop ang abubot.com. Nagbebenta sila ng geek-inspired stuffs at syempre kasama diyan ang polyhedral dice (kasi nga diba, crowning glory ng geek maka-Natural 20)! Sa presyo na 300PHP-350PHP + 80PHP sa shipping (kung nasa Manila ka) ok na rin, kung lalabas ka pa ng bahay gagastos ka rin pamasahe, halos parehas lang din- masisinghot mo pa anghit ng Maynila.

5. Your Friendly Neighborhood Magic: the Gathering Shop.
Kadalasan may mga d20 silang binebenta, at tulad nga ng sinasabi ko, sasapat na ang isang d20 para sa maraming laro.

(Added 11/27/14 8:33AM) Sabi ni Erik Eleazer ng PTRPG ay meron daw polyhedral sets sa Kick Engines MTG sa Cubao Expo kaya yeeey!

(Added 12/2/14 12:02 PM) Ni-recommend Miah Orduna ng Dungeons & Dragons Philippines CS Magic Shop.

Sa ngayon lang ang mga lugar na maimumungkahi ko, pero siyempre pag makalaam pa ako ng iba, ilalagay ko yun dito.

Kung gusto mo mabasa ang personal na kuwento ko tungkol sa dice, basahin mo dito: astig!

Sunday, November 23, 2014

KURIPOT GAMER: FREE Games for the Kuripot and Walang Tiwala sa Bureau of Customs

Para sa laro na imahinasyon, lapis, at papel lang kailangan, may kamahalan ang mga rulebooks ng mg TRPGs (2500PHP para sa Player's Handbook ng Dungeons & Dragons 5e?! Mabubuhay na ako niyan ng dalawang linggo eh). Wag ka na rin umasa pa sa Bureau of Customs. At bilang natural na kuripot (Kuripot is a way of life), siyempre di naman ako papapigil dahil lang dun.

Naghanap-hanap ako ng mga libreng RPG, naisip ko sa larong ito malamang sa hindi ay may mga taong gusto lang talaga ang intellektwal at personal na catharsis (Google mo na lang) na dala ng TRPGs- walang perang kasama. At oonga! Sandamukal pala ang libreng TRPG. Hindi kailangan gumastos ng mahal para lang makapaglaro gamit ang imahinasyon. Marami pa sa kanila d6 lang ang kailangan. Heto ang mga nakita ko sa aking deep-web adventures, tandaan na lahat ng ito ay libre


1. Dungeonslayers
- katulad ng mga sinaunang Dungeons & Dragons na mas may focus sa 'Dungeon Crawling' (Kasi nga naman masarap maligaw sa isang madilim, masikip at mabahong lugar na may mga nilalalang na kaya kang patayin). Marami at maganda ang mga laman nito; medyo kumplikado matutunan kung hindi ka pa sanay sa hardcore na abbreviations (Ano ang THAC0?). Pero wag mag-alala, hindi ito ganun kahirap matutunan, wag lang matakot sa mga terms at jargons. Magaan at hindi masyado kumplikado kung ikukumpara sa Pathfinder o Dungeons & Dragons 3rd, 3.5, at 4th Edition (May naglalaro pa ba ng 4e?).
At bago ko makalimutan: d20 lang kailangan sa larong to. DIBA! Sabi sayo masaya kahit d20 lang ang meron ka eh. Isang d20 okay na, pero mas maganda kung lahat ng players meron.


2. Heroes Against Darkness
- sa 231 pages niya, napabigat na ng libreng RPG na ito. Ang HAD naman ay parang makabagong Dungeons & Dragons, mas madali matutunan ang mga rules (Dahil wala masyadong addition, pataasan lang ng total). Maganda ito kung baguhan ka at gusto mo ng laro na SOBRANG DAMI ang mga laman (pero libre) niya na hindi ka mauubusan ng mga pwedeng idagdag sa laro mo. Maganda rin ito sa mga baguhang Game Masters dahil sa mga guide charts para sa mga posibleng mangyari sa laro. Kailangan mo ng polyhedral set para dito, pero kahit isang set lang OK na.

3. Tombs & Terrors
- kakatuwa ang TT (hahahihihihehehe. Ahem. Mature na ako), napakasimple lang ng Core Mechanic niya (Na ituturo agad sa first page. Odiba!), roll d20, idagdag (o ibawas) ang mga modifiers mo (kung gwapo character mo +2 Charisma, kung may halitosis siya -4 Charisma) at ipagdasal sa mga Anito na mas mataas ang makuha mo kay sa sa Target. Tipid din ang monster system dito, derecho at hindi nakakalito. Sapat na ang laman niya para makapaglaro ka, at kailangan mo ng set ng polyhedral para dito.



4. Warrior, Rogue & Mage
- Wooohooo. Warrior, Rogue & Mage o WRM for short. Kung natuwa ka sa Skyrim matutuwa ka dito: walang Class o Job, nakadepende sa tatlong attributes (Warrior kung a la FPJ's Panday ka, Rogue kung gusto mo na parang Snatcher sa Tondo, o Mage kung Ernie Baron ang trip mo) ang kakayahan ng character mo kung kaya't pwede ka magkaroon ng rogue na pwede mag-magic. Simpleng-simple (napaka simple actually) ang rules, hindi ka mahihirapan matutunan. Marami itong supplements na pwede mo idagdag kung gusto mong pa-bonggahin pa lalo laro niyo. Ang pinaka-astig na parte ng WRM? d6 lang kailangan mo. YAAAY!





5. Azamar the RPG
- d6 lang ang kailangan sa larong ito, at parang Dungeons & Dragons din. Di ko pa nasusubukan ito, pero dahil d6 lang naman kailangan niya, sinama ko na rin dito.







6. Fate Core & Fate Accelerated





-sinuggest ni Marc Reyes sa akin ang Fate nung nagreklamo ako sa Facebook kung bakit ang mahal ng mga game systems. Para sa isang libreng game system, napaka-pulido at propesyonal ng presentasyon ng Fate. Kailangan mo ng special na d6 para dito, pero okay na rin naman ang 4d6 na normal.
Walang setting ang Fate, ikaw bahala kung saan mo gusto gamitin ito. Gusto mo i-roleplay ang Noli at El Fili (Para matupad ang Elibarra yaoi fantasy mo?! BAKIT?), edi sige! Maganda ito dahil hindi parang video game sa papel ang dating, kundi story telling.

7. d12 RPG

- NAPAKASIMPLE ng core mechanic ng d12, at simple din ang character creation. Ilang pahina lang ang player's guide, pero hindi ibig sabihin nun hindi na nakakatuwa ang larong ito. At saka, kung wala kang d12, pwede kayong gumamit ng 2d6. Mas mapupunta sa medium-range ang rolls mo pero oks na rin. Asteeeg!

8. d6 RPG
 - sa 3 setting (Fantasy, Adventure, Scifi) at maraming supplements, magandang subukan ang d6 system. At halata naman sa pangalan niya na d6 lang kailangan. Medyo nakakalito lang sa simula pero pag maintindihan mo na, tuloy tuloy na ang saya.
Kung ito ang system na gusto mo subukan, magandang marami kang d6- magandang marami kang d6 kahit ano mangyari. D6! DDDD66666! Mabubuhay ka sa d6 lang. Seryoso



9. Gods of Gondwane
- ang GoG ay gawa ng isang Noypi, kung may paki ka sa Filipino Pride. Hindi ito ang tipikal na fantasy mo; ikaw ay nasa Jurassic era (may dinosaurs! Asteeeg! Pwede ka sumakay ng dinosaur! Mas asteeeeeg!) at maaari mong lakbayin at bisitahin ang iba-ibang kakatuwang lugar sa Gondwane. Paalala: hindi ito field trip kung kaya't asahang hahabulin ka ng kakaibang mga halimaw, mga mutants, neanderthals at iba pa.






10. Rewired
- naka-base ang larong ito sa WRM (Warrior, Rogue & Mage) kung kaya't d6 lang ang kailangan at madali lang din matutunan. Kung cyberpnuk naman ang trip mo, magandang tignan ito. Naka-layout ito na parang booklet kung kaya pwede mo i-print at basahin lang sa kama mo (hahahehehe. Gusto ko yung feeling ng physical copy eh). Madali matutunan para sa baguhan, madali patakbuhin para sa bagong GM: subukan ang Rewired kung mala-William Gibson o FF7 trip mo (at least yung Midgar)

11. Resolute, Adventurer & Genius
- kung Indiana Jones trip mo, o Armor of God na adventure ang gusto mo magandang tignan ang RAG. Sa WRM pa rin nakabasa ang larong ito kung kaya't wag matakot! D666666!!!!


12. Badass
- gawa ng isa pang Filipino gamer, ang Badass ay ang TRPG mo kung gusto mo ng action film na hindi sinusunod ang Laws of Physics, may mga astig na one-liner at 3 minute training montages. Simple lang ang rules at nakakatuwa laruin. Dapat ASTIG! Ang title eh. Haha.

Sa ngayon heto muna ang mga larong aking ilalagay, sa bawat araw na lumilipas ay may mga libreng TRPG ginagawa kung kaya't madagdagan at madagdagan ang mga libreng RPG kung kaya't magdadagdag din ako! Hardcore! Hanggang sa susunod!

Pahabol:
Pwede rin naman kayo na lang ang maghanp. Magandang magsimula sa listahan ng mga libreng RPG na ito: Eric Garrison's The Compendium of Free Role Playing Games

Sunday, November 16, 2014

KURIPOT GAMER: Mga Kailangang Armas sa TRPG

Interesado ka ba maglaro ng Dungeons and Dragons (o iba pang TRPG) pero hindi mo alam ang mga kailangan para makapaglaro? Wag magalala! Susolusyunan natin yan!

1. System
Andaming game systems! Aaargh!
Bago mo isipin na kailangan mo ng computer para sa 'game system', tandaan na ang game system ng mg TRPGs ay ang mga rules na nagpapatakbo ng laro. Sobrang dami ang game systems na available, yung iba ay specific sa isang genre (dahil may horror, scifi, cyberpunk at lesbian TRPG games din- hindi lang fantasy) at ang iba naman ay 'generic' o puwede sa iba ibang genre.
Ika nga ni Tobie Abad ng Tagsessions: 'Hindi lang D&D ang TRPG sa mundo'. Marami pang ibang system at maraming system na LIBRE LANG! Gumawa ako ng listahan ng mga TRPG system na madali matutunan, d6 o isang set lang ng polyhedrals ang kailangan. Abangan ang listahan sa susunod na linggo! Asteeeg!

Pero kung trip mo talaga ang D&D, tignan mo ito. Libre lang ang Basic Rules ng D&D 5th edition, kakaunti lang ang nakalagay dito pero sapat na para gumawa ng campaign (imagination lang naman kailangan eh. Pati oras)

Added (11/24/2014 7:35AM): Heeeto na! Ang mahiwagang listahan!


2. Dice
Gumawa ako ng special post para dito! Yay! Isa ito sa pinakamahirap hagilapin kung kaya't nagsadya ako ng isang post para dito. Abangan! Hardcore hintayan!

(Added 11/27/14 8:27AM) Heeeeto na! And hardcore dice hunting guide!
Aangat ang Geekness Level mo pag may ganito ka.
3. Minis at Maps (Hindi Importanteng importante pero pwede na rin)

Hindi mo kailangan ng miniatures o maps(pero astig naman sila) para makapaglaro ng TRPGs. Maraming rule system na hindi required ang minis, at hindi rin naman ito malaking kawalan. Peeero dahil nga ang motto natin dito eh: 'mapaparaanan at makukuriputan yan!', heto ang Free Paper Minis mula sa Drivethrurpg.com (pwede mo ring bisitahin ang website na yan para sa mga free rpg. I-click mo lang ang 'free' sa price box sa kaliwa)

Matagal kong pinagiipunan ang D&D Boardgames kung kaya't halos di ko
sila gamitin sa takot na masira o mawala ang marami at maliliit na piraso nito
Paper Minis: I-print mo ito sa card stock. 20PHP lang ang 10 piraso ng matigas tigas na stock paper sa National Bookstore. O pwede mo rin i-print sa normal na papel at idikit sa folder o illustration board diba. Hardcore utakan lang yan!

Maps & Cut-out Buildings: Kung gusto mo ng astig na playing field na kumpleto ng bahay at kung ano-ano pa, bisitahin mo ito. Pag sa paper buildings mas magandang sa card stock ka magprint.





Iba pang kailangan:

Lapis at papel - kung hindi mo alam kung saan makakabili ng lapis at papel... hindi ko rin alam. Huwag mo ako tanungin!

Mga kalaro - medyo mahihirapan ka dito kung ikaw ay isang teenage introvert na wala masyado kaibigan at mahiyain pa. Huwag mag alinlangan bisitahin ang mga FB page na ito, maraming magagawa ang kapal ng mukha (Hindi lahat maganda):

Philippine Tabletop RPG
Dungeons and Dragons Philippines
Dungeons and Dragons Adventurer's League Philippines
Makati BnB

Lugar na paglalaruan - kailangan mo ng isang lugar na pwede kayong magingay ng mga kasama mo ng apat na oras ng walang pipigil sa inyo. May mga gaming cafes na sa Pilipinas pero medyo may kamahalan ang presyo kung kaya subukan na lang sa mga parke (para feel na feel niyo ang 'wilderness exploration'), sa bahay nga kaibigan (mag paalam sa magulang) o kung saang lugar na tahimik at wala kayong maiistorbo.

At iyan ang mga kakailanganin para makapagsimula ka sa masayang mundo ng TRPGs! Happiness!

Tuesday, November 11, 2014

KURIPOT GAMER: Nakatapak ka na ba ng d4? Kuripot Gamer's Dice Story

Whooo! Ang isa sa pinakamahirap na pagsubok sa buhay ng Kuripot Gamer: paghahanap ng dice (bukod pa sa pagpili ng system. Ahehehe :| )
Halata naman sa ngiti ko diba?!

Mga Kuwento ng mga Dice:

Unang d20. Yabang ko nun, mantakin mo:
perstaym makakita ng mga tropa ko nito!

Ang una kong polyhedral ay ang d20 na kasama sa Castle Ravenloft. Binigyan ako ng tito ko ng pamasko (sa summer? Summer niya binigay eh), tatlong libo. Nakita ko yung ad sa sulit.com (na olx.com na ngayon) mga isang buwan bago ako magkapera. Halos ipagdasal ko sa mga anito na sana hindi pa bilhin, at sinuwerte nga ako, nabili ko. Kasama nung mga minis at maps ay isang itima na d20, ang aking unang d20. Yay!







Lagi ko nakakalimutan kung saan
niya nabili to


Pagkatapos nun, binigyan ako ng girlfriend ko ng d4 at d8 na granite, nabili niya yata sa isang Magic the Gathering shop.







Sa Makati ko to nabili. Di alam
 nung tindera kung ano ang d20

Tapos, bumili naman ako ng 2d20 sa isa pang Magic the Gathering shop (o Neutral Grounds ba yun? I forget).












Sino magaakala na may d12s ang
National Bookstore? At bakit meron? Haha

Tambay ako sa National Bookstore, nagbabasa ng mga librong di ko kaya bilhin. At may napansin ako: mahiwagang d12! Ang liit! Ang dami! Syempre di ko na pinalagpas. 30PHP lang, nagka 12mm 10d12 pa ako. Yay!









Kakulay niya si Drizzt! Or at least
yung theme color ni Drizzt.

Eto naman nakuha ko sa Dungeons & Dragons Boardgame: Legend of Drizzt. Tagal ko din pinagipunan yun!













Feeling mayaman
Habang tumitingin sa mga comics sa isang comic shop (na may, guess what? Magic the Gathering shop din) sa Megamall, may nakita akong Percentile Dice. At kahit 150PHP nila binebenta, pinatos ko pa rin (kasi call center agent ako nun. Feeling ko ang yaman ko. Hahahehehe)








Alam mo yung Monami na kendi?

d20 with glitters!
Tapos nandito na tayo. Sa pinakaunang Polyhedral Set (na worth 350PHP. Whooo! Mahal!) ko na binili ko sa Vira Mall sa San Juan (kasi sa San Juan lang din naman ako nagtratrabaho). Napakasaya! Bumili na rin ako ng isa pang d20 kasi masaya pag marami kang d20.








Aaaaat dahil nag-GM ako para sa Hari Ragat game kasama si Marc sa Makati B&B, binigyan niya ako ng isang set ng blue polyhedrals! YUSSS! Eto na ang favorite set ko kasi yung nabili ko sa Neutral Grounds eh Gold on Red & White ang color scheme, di ko mabasa ang numbers (hardcore diba, may dyscalculia na nga ako, eh myopic pa mata ko! Waw!)
Lumilipad ako sa kasiyahan. BLUE! AT NABABASA KO ANG NAKALAGAY!

Yan ang aking dice story aaat syempre, sana makanahap ka rin ng dice (Basahin ang ito). Yay!

Pahabol:
Sandamakmak na d6 dahil kailangan mo ng marami nito